Join MultiplyOpen a Free ShopSign InHelp
MultiplyLogo
SEARCH

nanskii boi wurld 4 (coming soon)

Blog EntryJul 4, '10 4:40 PM
for everyone

mula’t sapul hindi ako maka-Noynoy.lumipas ang election fever na wala akong masyadong kontribusyong pulitikal na pinamudmod sa aking facebook account.walang twibbons,walang news article sharing,wala kahit ano.ngunit kung anung tinahimik ko,ay syang ingay at aktibo ng mga kaibigan ko na pinangungunuhan ng noynoy diehard na si junel.

malayo pa ang inauguration,inaya na ako ni junel para samahan sya upang saksihan ang pinakaimportane moment ng idolo nya.at dahil maka-kaibigan ako.gora! ibigay ang hilig.

Nanskii: pag ako ba nag-orange bubugbugin kaya ako ng mga tao dun?

Junel: hinde.hindi ko hahayaang gawin nila sayo yun.dahil ako na mismo ang papatay sayo pag nagpakita ka sakin na hindi ka nakadilaw.

tapang di ba?ikaw na ang magkaron ng height na naglalaro sa pagitan ng 5’5 at 5’6

so ayun na,june30 ang big day.wala pa akong tulog halos dumirecho na ako sa meeting place.may isyu kase ako pagdating sa oras at dahil “importante” ang event,pinilit ko talagang dumating kesehodang ang tulog ko ay kinse minutos pa lamang.namuti ang mata ko kakaintay sa sinabing 7am call time.naligo ako ng alikabok at naghilamos sa mga usok ng tambutso.matapos ang isang oras,dumating na ang animal at ispluk agad ng “nagluto pa kase ako ng maling eh tapos nag sanggag ng kanin pinaghanda ko ba ng almusal mga tao samin since minsan lang naman ako walang pasok nang ganito kaaga tara na libre na kita lrt” sabay smile.ganyan ang format,ni walang bantas para huminto.ganun ata pag guilty,uunahan ka na bago ka pa maghuramentado.at fyi,libre talaga ang sakay ng lrt nung araw na yun.

ang aga naming dumating sa grandstand pero ang tao,halos wamport na agad ng buong field.walang sinayang na oras si junel at agad akong hinila para makahanap ng pwesto.kung san san siwang at butas sya nagsusuot makahanap lang ng magandang spot.masukal ang mga dinaanan namin at kadalasa’y mamasa masa pa dahil sa magdamag na pag ulan.kung nakatsinelas ka,mabuti pang itxt mo na ang pedikurista mo at abisuhan.nakahanap kami ng pwesto sa unahan,tipong dahak lang ang layo sa mga sundalong naka-arrange by colors.nakilala namin sa pwesto ung isang matandang loyalista na may dalang manyika ni cory at isang grupo ng mga babaeng mga mukang junior japayukis na landi mode kay junel.batiin daw sila sa eat bulaga,kala nila si jose.at hindi matapos ang pagpapakyut nila,nakakatuwa daw kaming dalawa dahil para kaming si Noynoy at Binay sa kulay.kung sila NoyBi,kami naman ang JunAkiis.parang bet lang ng mga kabataan ang dating di ba?

sinong mag-aakala na sa simpleng pagpwesto palang yun ay mapapako na kami sa aming kinatatayuan at hindi na makakalabas pa.ni hindi man lang ako nakapagbaon ng tubig o kahit anung makukutkot pantawid gutom at hilo.mga ilang oras pa ay sinimulan na akong tamaan ng ngalay,pangangati at exasperation(umeenglish pa?).

nagsimula na ang pre-program,sumikip na ang kinalalagyan namin.lahat ng nasa likuran namin ay pilit na sumiksik paharap para sa mas maganda view.katakot takot na klase ng suso ang dumunggol sa mga likod namin.may mangilan ngilang soft,habang ang iba eh masakit dahil sa alambre.lalung uminit at ni halos hindi ko na maitaas ang kilikili ko para magpaypay.numipis na ang hangin at nagsimula ng magsingawan ang mga madlang utaw.amoy sibuyas at gilik ang mga katabi ko,ni hindi ko na madistinguish kung nanggagaling ba ang amoy sa katawan o sa bibig.iniisip ko na lang mind over matter.kunyari inihaw na bangus.gusto ko nang sabihin nun kay junel na lalabas na lang ako at pupunta dun sa mga food kiosk/tolda saka babalik na lang.hindi ko na kase talaga kaya lalu na’t sa aking tender age of 29 ay may arthritis na ako.sagwa di ba?san ka naman nakakita ng tambay na nalumpo sa bahay.workaholic eh.pero mukang malabo ang idea ko dahil tiyak mahihirapan na akong bumalik.

nakita ko na kahit sikip at mainit,hindi nagrereklamo si kuya.kesehodang sira na ang hairdo,patid na ang sinturera,may mga paso ng sigarilyo sa magkabilang hita at hubo na ang salawal(narape?),hindi sya nagpakita ng kahit anung senyales ng discomfort o pagsuko para sa isang bagay na pinaniniwalaan nyang sagrado.at yun ay ang pag-aantay sa idolo na niluklok nya sa pwesto.smile lang sya tapos may matching sparkle sparkle sa bandang muka.cool na cool lang.parang commercial ng toothpaste.kaya kahit sobrang hirap na hirap na talaga ako nun,kinaya ko at naniwala sa positivity ni junel.

at ang bilis kamo ng good karma.biglang may naghagis ng kung anung di ko mawari.parang sandwich,tamang tama sa gutom ko.jusko naulol ang mga tao.nagtalunan at walang habas na nagsitaasan ng kilikili makakuha lang ng misteryosong giveaway.super nakiagaw na din kami.lahat hayok na hayok.para kaming mga buwaya sa avilon zoo na hinagisan ng dressed chicken.survival of the fittest ito.mejo kinapos si junel sa liksi,hindi kami nakakuha pero hindi sya kinapos sa kapal ng muka at nanghingi na lang dun sa katabi naming walo ata ang braso.presto! ang mahiwagang sandwich pala ay…kapote (eh ang ginaw eh!)

nagdatingan ang mga vips,foreign dignitaries pero lahat sila ay kinabog nung dumating na ang ibat ibang artista.mas mukang star olympics o parada ng mga karosa ng metro manila film festival ang quirino grandstand.gwapo daw ni rap rikto sabi nung ale sa likod ko.ganda daw ni pukwang sabi nung isa.ang taba daw ni sharon sabi…sabi naming lahat!majority wins!

biglang natahimik si junel at nanigas.dahan dahang gumuhit ang luha sa mga mata.paglingon ko sa harap ng grandstand ay biglang baba sa sasakyan ng pinakaimportanteng tao nung araw na yun.si noynoy at bitbit si gloria.lumakad lakad sila sa harap hanggang si gloria na lang ang natirang rumonda sa mga madlang utaw.nakakalungkot lang na katakot takot na pambu-boo ang inabot nya sa mga tao.para samin eh napakabastos naman.sana kesehodang hindi sya naging mabuting pangulo eh ibalato na lang natin ang huling araw na yun sa kanya.pangulo pa din yun kahit pagbalibaligtarin ang mundo.hindi kahit kelan naitatama ang mali ng isa pang pagkakamali.sa parteng yun lang ako nadismaya talaga maging si junel na hindi din like si gloria kung tutuusin.

sunod na dumating ang first ever  black vice president ng pilipinas na si binay lulan ng pinakamalaking kotse kotsehan sa mundo.matapos ang ilang pasakalye ay nanumpa na ang bagong pangulo.

hindi ako mahilig makinig lalu na kung ganun ang sirkumstansya na kinalalagyan ko pero sa totoo lang,natuwa ako sa bawat salitang sinambit ni P-Noy.naramdaman ko ang senseridad at kababaan ng loob.naramdaman ko ang pagpapakita nya ng importansya sa mga taong nagluklok sa kanya sa pwesto.naramdaman ko ang pangarap at respeto.naramdaman ko ang simula ng pagbabago.

bawal na daw ang wang wang.napalingon sakin si junel,umiling,at pinandilatan.waring nagsasabing “umayos ka!”.napatikom naman ako.baka arestuhin ako bigla akalain mini-wang wang ung nguso ko.

bawat ispluk ni president noy,syang taas ng kamay ni junel.parang jesus miracle crusade.do you believe?amen!sya ang pinakamasayang tao nung araw na yun,sunod si noynoy at panghuli ako dahil sa munti kong paraan nakapagpasaya ako ng kaibigan.natapos ang monumental na event sa pagpapaulan ng dilaw na petals ng mga helicopter at pagbusina nung napakalaking barko na nakalagak sa pier.nilisan namin inauguration na masaya at kumakandirit (dalampasigan?)

gusto kong sumigaw nun na sa wakas tapos na! makatulog na din at makapagpapahinga.ngunit  kaparis ng isang infomercial sa tv tuwing alas tres ng hapon “BUT WAIT! THERES MORE!”

may street party pa daw sa gabi.susmaryosep!

after naming makapagpahinga ng konti sa aming kanya kanyang bahay ay tinahak na namin ang landas patungo sa callboy capital of the Philippines.quezon memorial circle.at gaya ng inaasahan late na naman sa meeting place si kuya.naabutan akong kumakain ng siomai sa mrt at sabay sabing “kumakain ka na naman?!” habang nakasimangot.yan ang mas classic na style.imbis na ako pa ang sumita sa pagiging late nya,nauna na syang magalit.

nagkalat ang sangkapulisan sa circle at nuknukan sa dami ang tao.amoy alimuong ang kapaligiran dahil sa manaka nakang pag-ulan.hindi gaya nung kinaumagahan,hindi na kami sinwerte sa pwesto nun.hindi na namin halos napasok ang part kung saan makikita ang stage.parang wala lang,sumiksik kami dun para manuod ng giant tv screen na pwede namang gawin sa bahay.

nakita namin sina kyla,jay-r,nina at jed madela…sa tv.

wow! ang ganda ganda ni anne curtis…sa tv.

pukinanginang yan lahat…sa tv.

pumunta tayo dito para lang…sa tv?!

nagsimulang magtitili si jed madela na parang naipitan ng tinggil sa bisagra ng pintuan.halos maalerto ang buong sangkabaklaan ng pilipinas at sumugod ng quezon circle.akala ata nasa panganib ang kanilang ina.bumuhos bigla ang malakas na ulan at sabay sabi ni junel “were done!” taray.were done talaga?

umalis din kami ng circle nang wala pang isang oras.ok na daw yun sabi ni junel,ang mahalaga daw ay nakatapak kami dun at naging present sa okasyon.inaalala nya din kase ang ulan,na baka mahirapan kami umuwi since malayo ang pasay at makati sa QC.at bilang reward sa aming matagumpay na adventure,nagcelebrate at nagparty na lang kami sa piling ng mga alak at sintunadong 80s music.

sa pamamagitan ng walong bote ng matabang na sanmig,limang beses na pagpabalik balik sa palikuran,apat na beses na pagtanggi sa makulit na masahista,pagkutsa sa customer na nakapang-samba attire sa beerhouse,at pagsasayaw ng bad romance habang nakaupo ay tinapos namin ang araw na simula ng pagbabago.

mabuhay ang Bagong Pilipinas.mabuhay ang bawat Pilipino



Blog EntryJun 14, '10 2:34 PM
for everyone

buti pa ang kooperatiba ng mga magsasaka para sa patubig – nagtutulungan

buti pa ang mga adik nung 80s na tumitira na Benadryl at allerin - nag gagamot

buti pa yung mga kinokopyahan kong kaklase nung hiskul,pag exams - nagpapatingin

si empoy na hindi na magkandagulapay..HINDE! dedmatology!

hindi ko na mawari kung anu ang gagawin ko sa hugis-marakas kong kaibigan na yan.gusto yata talagang mamatay na mala-dolzura cortez ang drama.ang sarap bambuhin ng palochina sa ulo ng matauhan ba.nakakagigil.ayaw makipagtulungan.ayaw magpagamot.ayaw makinig.

nagmakaawa na ang ina.iniyakan na ng anak.pinakiusapan ko na,pero wa effect pa din.wala na din naman akong maisip na pwede pang kumumbinsi sa kanyang kaibigan dahil iilan lang ang pinahahalagahang kaibigan ni empoy sa buhay nya.ni hindi nga mapabinyagan ang bunso dahil wala na syang napipisil na tunay nyang kaibigan na pwedeng kuning guardian nung bata.ako lang talaga at isa pang tao na ni ayaw kong isipin kahit sa hinagap na hihingan ko ng tulong.He-Who-Must-Not-Be-Named.o di ba?parang pugante lang.sya ang isa sa sinasabi ni empoy na pinakapaborito nyang kaibigan sa buhay.ang dahilan kung bakit minsan ay may sariling mundo ang babaeng abokado.ang dahilan kung bakit may mga disappearing acts si ate.ang tinik sa aking lalamunan na si junel.

sya ay si Junel.

ganda ng name.pangalan pa lang,iisipin mo na na sa liblib na baryo pa nanggaling.alam mong hindi sa syudad inassemble.so rural si kuya.hindi ko pa man sya namimeet ay naimagine ko agad ang itsura nya.camiso chino,alpombra,tampipi na nakaipit sa kanang kilikili.buhay na native na manok sa kaliwa.tapos amoy kiskisan ng palay.junel for the win!

si junel nga ang isa sa pinakapaboritong kaibigan ni empoy.besprends daw,partners in crime.na kinabubwisit ko.ako na labing-isang taon na naging mabuting kaibigan,hindi ako nabigyan ng titulo.nauna pa yang junel na yan.

lahat ng album ni empoy sa facebook,ang laman puro silang dalawa ni junel habang ginagawa ang mga bagay na hindi alinsunod sa turo ng katekismo gaya ng pag-iinom,paninigarilyo,pagshashabu.chos.samantalang ang mga pictures namin,hindi nya inaupload at maipagsigawan sa mga madlang utaw.hiyang hiya ang puta.

mula nang muli kaming magkasama,wala nang ibinida si empoy kundi si junel.si junel na makabayan.si junel na madasalin.si junel na tatlong beses isang araw kung magsepilyo.si junel na anak ng demokrasya.si junel na may greenthumb.si junel na nagbabayad ng tamang buwis.si junel na tumatawid sa tamang tawiran.si junel na walang balis sa mga bata.si junel na balde-balde kung uminom pero hindi lasenggo(tnx dj alvaro).si junel na suhe na nakakatanggal ng mga natinik na lalamunan.lahat na si junel!isa kang malaking tinik sa lalamunan ko!

sa bawat araw na lumilipas ay lumalala si empoy.patuloy ang pagbagsak ng katawan at mukang malapit ng malagutan ng hininga.maraming ulit ko syang kinumbinsi na magpatingin na sa doktor dahil seryoso na ang lagay nya.subalit gaya ng kanyang ina,sawi ako.kaya labag man sa aking paniniwala,agad kong kinontak at kinausap si junel upang sya na ang kumumbinsi sa kaibigan nya.

hindi naman ako nabigo.to the rescue si kuya.agad na nagpunta sa bahay nina empoy na may dalang plastic bag(pasalubong yata.effort eh).hindi ko sya kinausap.ni ayaw kong tingnan.bwisit lang.ikaw na ang mamuhi di ba?tinungo nya ang kwarto ni empoy at nagkandado ng pinto.kinabahan kami ng mommy ni empoy.nagkarerahan sa bilis ang pagtibok ng mga puso namin.

Mommy: jusko anu gagawin nya at ng anak ko?nakita ko may lamang isang rolyo ng aluminum foil dun sa dalahin ni junel.

agad kong tinungo ang kwarto at pinagkakatok ito ng malakas.ang lecheng junel,hiningan ko ng tulong para sa kaibigan namin.parang nagplano pa atang magshabu kasama yung isa.namiss ang pot session?ang dami kong naririnig na kaluskos sa loob na lalu kong kinaparanoid.

Nanskii: BUKSAN MO TONG PINTO!anung ginagawa nyo ni empoy?! harrrrrr!!!

binuksan ni junel makalipas ang ilang minutong pagkakandado.nakita ko si empoy na nakaupo sa kama at may katabing lighter.pawisan at parang high na high.nagkalat ang aluminum foil sa sahig.yun na!nanulis ang nguso ko sa galit.parang punyal na gusto kong itarak sa pagitan ng mga mata ni junel.tukaan na!tinignan ko sya ng masama at akmang susuntukin pero bago ko magawa yun ay biglang abot nya sakin ng..

embotido

Junel: pakisteam naman.dinner natin maya.gumawa kami eh.tnx

tanginang yan.gagawa lang pala ng embotido.nakakandado pa.anu to secret recipe ng pamilya?

matapos ang ilang oras ng pag-uusap at pagcatchup sa buhay buhay ng dalawa.nagmistulang 

anghel si junel na tumugon sa aming mga panalangin.pumayag na si empoy na magpatingin sa doktor nang magkaalaman na.dun ko naisip na mahalaga nga siguro si junel sa buhay ni empoy and vice versa.na dapat maproud ako na hindi lang ako ang kaibigang tunay na nagmamalasakit sa kanya.na hindi ako dapat mainis at mag-isip ng masama dahil katulad ko,ang kaligtasan ng aming kaibigan ang sya ring pinakamahalaga para sa kanya.hindi nga nagkamali si empoy na tawagin nya si junel na paborito gaya ko.at sa wakas,ang mga agam agam namin ay matutuldukan na.it’s crunch time.


TO BE CONTINUED…



isang bagay na lubos kong natutunan at naisapuso nung punanaw ang aking nanay.di bale nang walang pera,basta malayo lang sa sakit.

lampa si empoy pero wala akong matandaan na pagkakataon na naging lapitin sya ng sakit.ang tanging sakit lang nyan ay likot ng kamay at pag-iisip.bukod dun wala na.physically fit naman at katibayan nyan siguro ang ilang callcenters na pinagtrabahuhan nya.nasurvive nya ang mahahabang byahe,wala sa oras na tulog,at chambahang mahabaang pahinga.

nagpamedical sya nitong February para sa kanyang bagong trabahong papasukan.tinawagan sya ng clinic para ipaulit ang bloodtest nya.takot na takot sya nang malaman nya yun.anu daw ba ang posibleng makitang sakit sa pamamagitan ng dugo aniya.ang sabi ko naman,lahat.bagamat nagkakatakutan,inadvise ko pa din na kunin nya ang pangalawang test para sure.pinakamabuti pa din kase ang malaman kung saka sakaling may problema man.after nun,wala na akong narinig kay empoy tungkol sa pagpapamedical nya.ang batang ina na dati’y hindi nababakante sa pagtatrabaho kesehodang bagong panganak,naging tambay bigla ng bahay kahit alam nyang sangkatutak na responsibilidad ang nakaatang sa kanya.makailang beses ko din syang tinanong tungkol dun pero wala syang konkretong sagot na maibigay.hindi ko sya mabasa.at  hindi ko din maalis sa sarili ko ang magduda.

nagsimula nang maglabasan ang mga iregularidad sa katawan nya pagkalipas ng ilang linggo.pirmi syang nanghihina at nilalagnat.ang dating tisay,naging off-white ang kulay.ang dating wafakelz (wow chatter?),ngayon sobrang napaparanoid na sa mga nararamdaman nya.maliit man o malaki.

dumaing sya sa amin minsan ng mommy nya tungkol sa malaking bukol na nasa kanyang tenga.sobrang sakit daw sabi ni empoy at hindi nya makaya ang kirot.itxt ko daw ang kaibigan naming huwarang nars na si Tantan.pero hindi ko yun ginawa dahil siglo ang binibilang bago makarating ang reply nun.kung itetxt mo sya na may malubhang karamdaman ang isang malapit sayo,dadating sayo ang reply nya babang luksa na.so wag na lang.baka magkasolian pa ng kandila.

agad akong sumugod ng taguig at dahil 2-time champion naman ako ng GameKNB at medyo madaming nalalaman tungkol sa mga bagay bagay,pinawi ko ang pangamba ng mag-iina.

Empoy: anu ba yan?ang dami ko namang nararamdamang sakit.hindi ako makapagtrabaho.mamamatay na ata ako.anu kaya tong nasa tenga ko?

Nanskii: (nag-isip ng mabuti.nagsulat ng equation sa hangin.dinouble check) …Luga!

yun lang ang nahagilap kong sagot sa isip ko.pasensyahan na lang.at nakuha pang magmalaki na champion noh?

pansamantalang nawala ang pagkirot ng tenga ni empoy sa paglipas ng mga araw.hindi na din namin masyado pinansin dahil hindi naman sya seryoso talaga.husto lang sa arte si ate.pero hindi namin inakala na ang pangyayaring yun ay dry run lang pala ng mga mas matitinding delubyo na darating.

nagpabalik balik ang lagnat ni empoy.may mga pagkakataon na halos pumalo na ng kwarenta ang temperature nya.pero dedma lang.dinadaan lang sa pagkekendi ng sang dakot na paracetamol at ibuprofen at dose oras na hithit ng sigarilyo.matigas ang ulo nya talaga.kung ako OA pag nakakaramdan ng anomalya sa katawan at pumipila agad ng klinika.sya hindi ganun.sa madaling salita,nagpabaya,nagsawalang bahala,unti unting lumala.

dinatnan sya nun ng kanyang monthly period,pero hindi pala yun pangkaraniwang dalaw lang.dinugo ng sobra si empoy.hindi kayang paampatin ng mga song and dance sanitary napkin ads nina kim chiu at sara geronimo ang pagpapakawala ng kipay nya ng tone-toneladang dugo.wala sa bulacan ang angat dam,nasa loob ng panty ni ate.sa sobrang lakas ay pwedeng kabitan ng hydro-electric turbine na kayang suplayan ng walang puknat na kuryente ang anim na distrito ng maynila.bring it on!diapers ng kanyang bunso ang ginagamit ni ate at hindi sanitary napkin.4 to 6 times a day syang magpalit at lahat yun ay siksik,liglig at umaapaw.sino ba naman ang hindi manghihina,lalu nat tumatagal ang kalbaryong iyon ng halos isang linggo.

naging mabilis ang pagbagsak ng katawan nya sa loob lamang ng dalawang buwan.kung dati eh nagagawa pa naming magpicturean sa laguna de bay,umabot na sa puntong ni hindi na sya makabangon sa sarili nyang higaan.minsan nagtetext sya sa akin na namamanhid ang mga paa nya at kamay at walang maramdaman.mga unang sintomas pa lang kinukulit ko na sya kung nagpunta ba sya nung pinabalik sya sa clinic.paulit ulit na pagtanggi pa din ang sinusukli nya sa amin.dun na ako nagsimulang magduda talaga.na maaaring may nalalaman si empoy na pilit nyang tinatago sa amin.tinatago para wag kami mag-alala.tinatago dahil alam nyang kung kinakailangan nya ng gamutan,wala kaming maipangtutustos.

ilang linggo pa,mas madami na syang nararamdaman.dinadaing nya na ang masidhing pagkirot ng kalamnan nya sa tyan.hindi na sya kumakain ng maayos at lalung hirap nang tumayo.may mga pagkakataon na nahihirapan na din syang sa kanyang paghinga at sumusuka ng kulay itim(na dugo din yata).bahagya ding lumabo ang mga mata nya.nabawasan sya ng halos 20kilos na timbang nang hindi namamalayan.sa sarili kong komprehensyon,batid ko na isa isa na atang nagshashutdown ang katawan nya na sanhi ng hindi malamang sakit.iniiyakan ako ng mommy nya sa telepono.nagmamakaawa na kumbinsihin si empoy na magpadala na sa ospital subalit iba na ang takbo ng pag-iisip ng kaibigan ko.sinabi nya sakin na bakit pa sya kailangang ipagamot?panu kung may sakit nga syang malubha?poproblemahin pa daw ba yun imbis na ilaan na lang sa mommy nya at dalawang anak nya ang pera?kung mamamatay daw sya,hayaan na lang daw namin.wag na daw namin labanan pa dahil kami din daw ang talo sa bandang hulihan.hayaan na lang daw sya.

hindi ko matanggap na ganun ang reasoning nya ng mga oras na iyon.na ganun ganun lang?posible kang mamatay,hahayaan na lang natin?ganun lang ba kasimple isuko ang buhay ng isang tao?si empoy ka ba o ikaw ang nanay kong nagsasalita bago sya ginupo ng colon cancer?sobra kaming nasasaktan.para kaming pinagsakluban ng langit at lupa.

ang dating masaya nilang tahanan na puno ng hagikhikan at masasayang salosalo ay dahan dahang nagdilim at napuno ng kalungkutan sa bawat apat na sulok nito.tahimik at tanging malalalim na paghinga at pagtangis ang maririnig.sa loob ng maikling panahon ay binago na hindi maipaliwanag na karamdaman ang kaibigan ko.unti unti nyang pinapatay ang katawan ni empoy,inuubos ang dugo at nilalason ang isip.kailangan syang maihatid sa ospital sa lalong madaling panahon pero papano kung sya na mismo ang tumatanggi.sya na mismo ang umiiwas.sya na mismo ang humahalik sa kanyang sariling katapusan.

 

TO BE CONTINUED…



June 1999 – somewhere in intramuros.

mainit,tahimik,malungkot.ganyan ata ang unang pakiramdam pag tumapak ka sa panibagong yugto ng buhay mo.tipong gusto mong takasan.gusto mo maglaho.anywhere but here(wow umeenglish?)

first day ng buhay kolehiyo.nakatengga ako sa labas ng gymnasium habang nag-aabang sa aking pinakapaboritong subject of all time..PE.sa lahat naman ng araw na pwede syang matapat,sa first day pa talaga.malas lang.

sa paghahanap ng mapagbabalingan sa paligid upang mabawasan ng pagkasuya sa sitwasyon tila may instant na sagot ang langit na inihulog sa aking harapan.actually hindi naman sa mismong harap ko binagsak,mga ilang piye din ang layo.isang napagandang dilag ang bumuyangyang at dahan dahang lumapit sakin.

mysterious gel: hi…whats ur name? ahihihi (sabay hawi ng buhok sa tenga at pihit ng ulo)

tanginang yan,ganda ng pasok tapos baklang bakla ang pickup line.

sya si Empoy,kaklase ko sa block at iyon ang unang pagkakataon na nagkausap kami.ang sarap ng pakiramdam na dumating sya.parang syang hamog sa bukang liwayway.gumaan bigla ang pakiramdam ko at biglang naappreciate ang kapaligiran.napakaganda ng aura ni empoy kahit kiming kimi makipagusap.para syang maria clara ng makabagong panahon.parang mongha minus the sutana.everythings perfect.hanggang sa pumasok sa eksena ang mga batang kanina pa naghahagikhikan sa aming paligid.mabilis silang lumapit kay empoy sabay mwestra sa kamay na nagmistulang baril sabay tutok sa kanyang nananahimik na pwerta at aking nananahimik na sandata.

“BANG! PEKPEK! BANG! TITE!”

dead-air ang sunod na naging eksena.ang wholesome na getting to know chikahan,nabahiran ng kababuyan.nashock kami sa pagsambulat ng mga ari.nagkatinginan kami.nagkangitian.nakalimot.nagsagpangan! charing!

yan ang naging simula ng pagkakaibigan namin ni empoy.

naging mabuti kaming magkaibigan simula nuon.sabay kaming natutong uminom ng alak at namaster ang art sa pagpasok sa evening class na amoy chico.sabay kaming natutong manigarilyo at naging top contributor ng air pollution sa intramuros. sabay kaming pumupuga sa aming mga PE classes dahil nabibilang kami sa mga estudyanteng lampa at ngalayin.sabay kami naniniwala na magiging magkaibigan kami habang buhay.

magandang  syang babae.maganda kung ang kagandahan sayo ay ang pagkakaroon ng tatlong pulgadang pahalang na gilagid,maputlang kaligatan,matambok na nuo,at katamtamang laking dibdib na isang dangkal ang layo sa isat isa.sya ang kauna-unahang babaeng nakilala kong may man-boobs.

nuon pa man ay ligawin na sya.ligawin ng mga maligno.lahat ng naging jowa ay panget.tipong pang halloween presentation ng magandang gabi bayan.nagtataka nga ako kung bakit hindi kami nagkaligawan at nagka aswangan.naniniwala si empoy sa pagkakapantay pantay.in her own words,walang pangit sa kiking galit.taray di ba?parang slogan lang ng mga hostes.

ngunit kung gano ko pinupuri at pinagmamalaki ang aking kaibigan ay syang kabaligtaran ng reputasyon nya sa buong kolehiyo.kung tawagin sya’y malandi,pokpok,pariwara,kulasisi,babaeng xerex(ay sakin lang pala galing to,cute eh).ang pangalang empoy ay naging parang equation na ang katumbas ay sangkatutak na lalake.maraming hindi nakaintindi sa kanya at sya’y kinainisan at hinusgahan.nagkahiwalay kami ng landas sa kolehiyo nang hindi ko man lang sya naipagtanggol o lubusan ding naintindihan.ang masayang pagsasamahan namin ay naputol nang magdesisyon ang mga magulang ko na talikuran ko na muna ang pag-aaral.

matagal na panahon din ang lumipas nang muli kaming magkita.nagtatrabaho na ako sa gigiray giray na opisina ng gobyerno nun habang sya naman ay kakagraduate pa lang sa kolehiyo at nagpapatining ng anaesthesia sa katawan.nakapanganak na sya sa panganay nya nang di ko man lang nalaman at nasubaybayan.gulat ako nung nakita ko sya ulit.from Russia with love ang drama ni ate.muka syang manika ng mga ruso(yung matryoshka doll),puta pagkatapos ng ulo balakang na agad.kala mo abokado sa malayo.bunga ng kasoy sa malapit.nagbago man ang mga anyo namin,pero ang pagkakaibigan ay nanitili.parang mga biktima pa din kami ng walang habas na pamamaril ng ari.

ang aming labing isang taong pagkakaibigan ay binuo ng madaming pagsisimula at pagwawakas. magkaibigan ngayon,estranghero bukas.kada malalagay kami sa sitwasyon kung saan nagpapakasaya kami sa friendship namin,hindi nalalayo ang pamamaalam.sa muli naming pagkikita batid kong paghihiwalayin kami ulit ng tadhana.at hindi gaya ng dati,paghihiwalayin kami ngayon habangbuhay…


dito nagsisimula ang bloodlust saga

TO BE CONTINUED...



Blog EntryDec 9, '09 3:12 PM
for everyone

aaminin ko,minsan nahihirapan na akong sumulat.kahit gustong gusto kong may maihatid na kwento.kahit sa isip ko naglalaro na ang napakaraming adventures.kahit sa puso ko umaapaw ang mga nakakapukaw na mga salita.siguro malaking aspeto nun ay ang masakit na katotohanan - na ang buhay ko ay umiikot na lang sa napakaliit na orbit habang nakakulong sa katahimikan ng madilim na kalawakan.eto yung klase ng kalungkutan na pakiramdam mo empty ka.na nalulungkot ka sa estado na buhay mo.ang tipo ng kalungkutan na kumakain sakin pag ako na lang mag-isa.

nung mga huling araw ko sa trabaho ko 4years ago,kinausap ako ng senior ko.masinsinan at closed door meeting type.kahit bungalow ang opis at ang mistulang dingding lang ay ang mga tenga ng mga chismosa kong kaopisina.bakit daw ganun ang attendance ko?anu daw ba ang problema ko?mula enero hanggang hunyo nakaipon ang ng 20+ na absences at 30+ na halfdays,undertime,late.suma total ang kapal ng muka ko.sympre artista ako.dinaan ko sa acting.iniyakan ko ang boss ko habang nagsasalaysay.at ang luha ha,pumatak lang effortless parang gripong lumuwang ang roskas.napaniwala ko ang boss ko,binigyan ako ng isa pang pagkakataon.kinabukasan nagresign ako.ngayun,namimiss ko nang may boss ka na tutok ang tingin sayo na kahit kating kati ang ilalim ng itlog mo,hindi mo makamot.namimiss ko nang magtrabaho.

nung buhay pa ang nanay ko walang okasyon na hindi yan gagawa ng maja blanca.ewan ko bakit feeling nya ata eh specialty nya yun eh sa totoo lang,wala ka namang makukuhang satisfaction sa pagkain nun.kakainin mong durog,itatae mong durog.hindi namin kinakain magkakapatid ang maja blanca nya.tinatambak lang namin sa ref hanggang sa tubuan ng kabute at maghimutok ang nanay ko.nung namatay ang nanay,wala na kaming maja blancang nakita sa mesa naming sa tuwing sasapit ang pasko,bagong taon at birthday.mas maluwag na ang ref namin mula disyembre hanggang pebrero.masaya ako na wala na ang maja blanca.pero nalulungkot ako na wala na yung matyagang ale na walang sawang gumagawa nun.namimiss ko ang nanay ko.

naalala ko yung aso kong si Bongo(ng Labu Labu Rats–Season 2) nung panahon na iniwan namin ang rancho kase tinutugis kami ng meralco.naiwan syang mag-isa sa dilim.after magsubside nung tension umuwi kami ng bahay tapos nakita namin si bongo ng may malaking hiwa sa paa.sabi ni tatay sumabit daw sa nakaharang na yero kase inakala nung aso na bumalik kami nung kinagabihan nang araw na lumayas kami.nasabik kase akala binalikan sya.sa pagmamadaling sumalubong,sumabit yung paa nya sa yero.araw lang ang binilang mula nun,namatay ang aso namin.namatay sya dahil sa lungkot at heartache siguro.pinili nyang mamatay kase siguro naisip nya na hindi naman pala sya mahalaga.

hindi ko naman talaga hinahanap pa si bongo.hinahanap ko yung pakiramdam na may nagmamahal sayo na walang kondisyon.na kahit may pagkakataon na hindi mo napapansin,hindi nagbabago at patuloy na nandyan pa din para sayo.namimiss ko ang pakiramdam na mahalin at pahalagahan.

bente ocho anyos na ako.matanda na.walang pera,tila walang kinabukasan,higit sa lahat walang iisang taong solid na nagpapahalaga.namimiss ko maging bata..yung mga panahon kung saan iniisip mo lang kung ilang tau-tauhan ang kikitain mo kinabukasan sa “tatsing” at kung ilang ikot pang alambre ang ibabalot mo sa lucky pamato mo para bumigat at gumanda ang bagsak.panahon kung san ang pinagdadasal mo lang eh wag mapidtas ang tsinelas mo pag nagkahabulan na dahil sa takot pag narinig na ang mahuli may tae sa pwet. namimiss ko ang panahon kung saan hindi ka nakakaramdam ng sakit at pait ng buhay.panahon kung saan ang pinakamahirap na pagsubok na hinaharap mo lang sa araw araw ay ang matulog sa hapon.

marahil ang mga bagay na yan ang mga dahilan kung bakit ako nalulungkot.dahil kung susumahin ang karerang itinakbo ng buhay ko,matagal na akong balagoong.matagal tagal na din akong natatalo.at matagal na ding nag-iisa sa kalawakan ng pangungulila at kawalang katiyakan.

 

malungkot ako (at wala na yang kasunod na punchline)



Blog EntryNov 29, '09 4:44 PM
for everyone

kung meron isang common na characteristic ang lahat ng cast ng nanskiiboiwurld,yun na siguro ay ang naglalakihan naming mga size.

ako malaki ang tyan pataas(pataas meaning hanggang nguso ung malaki).si glenn malaki na din ang tyan dahil pumasok na sa matinee idol status(matinee – matanda na).si mara na malaki na din ngayun ang tyan dahil buntis.si lennox na malaki ang noo dahil naaaccomodate ang very lush nyang bangs.si pong panga na ubod laki ng panga na parang nitsong hindi nabigyan ng matinong masilya.si makit na malaki ang hinaharap na halos ikakuba na.si karl na malaki ang likod na pwede nang presidential table sa kasal.at higit sa lahat si mae na halos kasinglaki na ng quezon city pag pinahiga.

walang payat,walang katawan na pinamamahayan ng tiwa…nuon yun

matagal tagal na din na nakatambak sa bahay ang isang health supplement na binili ng kapatid ko.isa syang malaki basyo na mukang motor ng refrigerator.naglalaman sya ng pulbos na may matamis na pangako sa mga nangangarap tumaba.pero hindi sya asukal na mascuvado o sarsi na hinaluan ng itlog.isa syang medical breakthrough dahil ang kapatid kong dating patpatin,ngayun ay body builder na.katakot d ba?at dahil inihinto nya na ang pag-inom,kailangan na syang ipamana sa ibang nangangailangan.

- - - - -

sya si Tantan na galing sa napakalayo at masukal na kagubatan ng novaliches.malayo dahil pag tinetxt ko sya,tatlong araw bago ko mareceive ang reply.ni hindi ko alam na roaming na pala pag novaliches ang ittxt mo.

natatakot ako pag nagttxt yan sakin.lahat kase capital letters.para kang nagkaron ng txtmate na kidnapper.parang nanghihingi lang lagi ng ransom.HON LAST LOAD KO NA TO,PALOADAN MO AKO 300PESOS.EMERGENCY LANG.sya ang nagsimula nang scam na yan.

para syang si yao ming na nababad sa tubig tapos umurong.payat,maliit at mukang hindi nananakit.hindi sya dapat itinatabi sa papel de hapon at pisi dahil magmumuka silang make your own saranggola kit.sya ang nagsilbing sagot ng langit sakin sa frustration ko nung bata ako na makanuod sa quirino grandstand ng bear brand kite flying festival.

matagal ko nang kaibigan si tantan.mahigit dalawang taon na din.tanda ko pa nung una ko syang nakita,napasigaw ako ng SYATOOOOOOOO! (flashback lang)

mulat sapul ang tanging nakita ko lang na lumalaki sa kanya ay ang adams apple at ang tirik nyang buhok.demanding ang pagiging nurse kaya kahit siguro anu ipalamon sa kanya hindi sya tumataba.hapong hapo ang maliit na katawan.marahil yun ang dahilan…marahil

sa pagnanais na matulungan ko ang kaibigan ko,agad akong bumuo ng isang pagsasaliksik para lubos na masuri ang kalagayan nya.gusto ko talaga syang matulungang magkalaman dahil hindi yearlong ang Halloween at hindi patok lagi ang kalansay look.sinuri ko syang mabuti.pinadapa,pinatihaya,pinahiran ng isang puswelong asin,binudburan ng apog(burong mangga?).katakot takot na computations para madetermine ang tunay nyang timbang.plus,minus,carry 1,cannot be,borrow 1 from 2,roundoff to the nearest hundredths,putangina!puro palakol ang grado ko sa math mula elementarya.ayoko na!

pero sa gitna ng kadiliman natanaw ang silver lining,ang sagot sa lahat ng agam agam.natukoy na din ang salarin.ang dahilan kung bakit buong buhay ni tantan muka syang shing-a-ling.it’s the JOJO LASTIMOSA HAIR!!!

sa buhok ni tantan napupunta lahat ng sustansyang kinakain nya.kung grade 4 science ang pagbabasehan,ang tawag dito ay parasitism(one organism benefits and the other one is harmed).anlalaki ng hibla ng buhok nya at pirming nakatayo. ilang piye ang taas.kalahati ng height nya utang nya sa buhok nya.kapit na kapit sa anit na animo mga lintang may pino at matatalim na ngipin.parang isang buong kaharian na nawiling manirahan sa anit nya.alagang alaga at malulusog(pwera usog).

nag-iba bigla ang pagtitig ko sa bumbunan ni tantan na kampanteng naglalaro ng videogame nung mga oras na un.nakaramdam ako ng nagpupuyos na galit.dumilim ang paningin at nakarinig ng pagbulong saking mga tenga(adik lang).bulong na galing sa tyahin kong tomboy na isang respetadong barbero.”kalbuhin mo..kalbuhin mo..” paulit ulit na umaalingawngaw sa isip ko na tila kumukontrol sa aking bait.tumayo ako sa likod ni tantan at dinaklot ang kanyang luscious at mamantikang buhok at saka hinaltak.biglang nag-ispluk si tantan

Tantan: Pakielaman mo na lahat..wag lang ang buhok ko! Rarrrrr!

yun ang naging hudyat ng pinakabrutal na fight scene sa history ng nanskii.walang sinabi ang infamous sampalan nina mara clara kung saan imbis na kamay ang pinangsampal,sweet and sour lapu lapu ang ginamit.

kinaladkad ko si tantan habang hawak ang buhok nya.pero rumesbak si kuya.nag “chinese getup” at hinawakan ang ulo ko at paulit ulit na inumpog sa pader una muka.humalakhak lang ako ng malakas habang inuuntog nya ako.kase naman hindi ako nasasaktan.ikaw na magkaron ng ganito kalaking labi.daig mo pa ang may airbag.tatalbog lang.naging matindi at lubhang napakahaba ng aming sapakan.mahihiya ang mga fight scenes ni FPJ na laging nauuwi sa talipapa,kadalasan fruit section(pansin nyo?lagi may ganung eksena.daming prutas na nadudurog).pagkatapos ng isang oras na warlahan.napagod kami.nagpabili sya ng coke 1.5 at limampisong pan de regla.napagod eh.isa pa,oras na ng minindal.nagpabili din sya ng micheal’s na gel.ung cheap na gel.- Php2.50 lang ata yun.pangretouch sa buhok ata.

nanahimik kaming dalawa.at bumalik saming mga sarili.nakunsenya ako,nakunsensya din sya.ang busilak na pagtulong,nauwi pa sa gulo.kinausap ko sya ng masinsinan at humingi ng dispensa sa nangyaring commotion.gusto ko lang makatulong,hindi ko ginustong makapanakit ng kapwa.tinignan nya lang ako at sinabing “ok lang yun” at nagkapatawaran.patunay na mabilis magpatawad ang mga Pilipino(parang pardon lang kay erap).

sa pag-alis ni tantan sa rancho negro,pinabaon ko ang mahiwagang food supplement at ang hope sa kanyang pagtaba.mabait syang bata.soft spoken.hindi bastos ang bibig.walang masamang tinapay.dapat lang na makuha nya ang kanyang mga pangarap.

bago sya tuluyang umalis ay inabutan nya ako ng gamot.parang token of appreciation yata.tinawag ko sya habang papalayo na sya.

Nanskii: Syatoooooo! este tantan!!! Para san tong gamut na toh?!

Tantan: varemoid forte! gamutin mo yang bibig mo.may almuranas.kala ko isaw na lumuwa,labi pala.

Bait di ba?

  - - - - - -

Subaybayan ang progress at mga updates sa pagtaba ni tantan sa twitter page ng nanskiiboiwurld



time flies when youre having fun.wow unang birada english agad. 

naalala ko nung una kong sinubok gumawa ng blogsite limang taon na ang nakakalipas.pampatanggal bato lang.pampatanggal antok sa opisina.nagsimula sa mga maliliit na kwentong walang katuturan.hanggang sa unti unti,nadevelop at naging online talaan ng buhay ko.

nung mga unang taon ko sa pagsusulat,ako ang superhero ng mga batang hindi makatulog sa gabi.ng mga batang hindi cool.ng mga batang hindi popular.ng mga batang wala masyado medium ng kasiyahan kundi ang cellphone nila (in case hindi nyo alam.ang 1st at 2nd season ng blog ko ay nababasa direkta sa cellphone…pero dati yun).

ako ang naging imaginary tatay nila na nagturo na hindi kinakailngang maging perpekto ang buhay natin para makakita at makadama ng kasiyahan.na hindi lahat ng pilyo eh bastos.na hindi lahat ng taong may maiitim na gilagid ay masama.

sa nagdaang season ay nasaksihan natin ang anim na karakter na bumuo at humulma ng riot na mundo ng nanskiiboiwurld.

ako pa din ang nagmamay-ari ng trono ng pinakasusyal na tambay sa pilipinas at ng pustisong may dalawang lateral incisor at isang first molar.katulad ng dati,wala masyadong pagbabagong naganap sa buhay ko na masasabing climatic pero masasabi ko na higit na naging masaya ito kesa nung nakaraan.

wala din masyadong nabago sa kondisyong pampuso ni Mae.gamit na gamit nya buong taon ang mga kasabihang patience is a virtue at bawal ihi putol titi.di bale ng walang lovelife basta maayos at malusog.kaso mo tinamaan din sya ng karamdaman nitong lumipas na taon.at ang karamdaman..makirot na suso.yung kaliwa.hindi mo malaman kung ngalay lang,bugbog o nabati.agad naman syang nagpakonsulta sa espesyalista.at napag-alaman na dahil iyon sa poor posture.bumigat na daw kase sabi ni mae.hinihila na ng lupa para magbalik sa alabok.kailangan na ng suporta.suporta ng isang lover.a helping hand.so help me god (ika nya)

nagbunga na ang malikot na pagsasama nina Glenn & Mara na sinumulan sa potipot.may consequence talaga ang pagtulog sa single bed lalu na kung dalawa kayo at magjowa.lalu na din kung natutulog kayo na magkapatong imbis na magkatabi.ngayun ay nasa ikaapat na buwan na ang dinadala ni mara.medyo maselan ang pagbubuntis dahil konting kibot ay nilalagnat sya.para lang syang may permanent balis.kung hindi ako nagkakamali,pinaglilihi nya ang anak nya sa biogesic at dalacin c.

wala na ang pamosong bangs ni Lennox pero kahit kelan ay mukang hindi na mawawala ang kanyang mala-halimaw na pagkahumaling sa kanin at pagtulog.nagpakabit sya ng braces at a tender age of…27! edad kung saan kahit dila mo matigas na.pinatuyan nya na hindi totoo na hirap kumain ang mga taong may braces.bahaw,pop rice,ampaw…bring it on! hindi nya yan uurungan.

tuluyan ng nilisan ni Makit ang mahirap nyang buhay dito sa pilipinas.inakala nating napadpad sya sa bansang Afghanistan pero hindi pala sya dun napunta kundi sa bansang iraq o Eraq ayun sa kanyang sariling bokabolaryo.naging malaki ang epekto sa akin ng biglaang paglipad ni makit.walang araw na hindi ko sya naiisip lalu na’t lagi kong nadadaanan ang ukay ukay malapit sa may palengke namin na syang binibilhan nya ng mga second hand na bra.sa bawat sulyap ko sa mga bargain na bra na pinagwawagaywayan at pinapagpag ng mga mamimili,suso ni makit ang tangi kong nakikita.nag-uumpugang parang mga maracas to the beat of “come on shake your body baby do the conga.i know you cant control yourself any longer” ni Gloria estefan.

sa pagsisimula ng bagong taon ng magulong pakikibaka,ang dating anim ngayon ay naging lima na lang.

sama sama nating tuklasin kung may papalit ba sa puwang na iniwan ng reyna ng bentosa at pasma.sa pagtuklas sa magiging future nina glenn at mara.sa muling pagtayo ng mga kambal ni mae.at sa bande-bandehadong pagkaing lalamunin pa ni lennox.

maraming salamat sa lahat ng mga nagmahal at patuloy na nagmamahal sa nanskiiboiwurld.salamat po sa friedship.


ako si nanskii…

at ito ang season 6 ng NanskiiBoiWurld – N6 for short



Blog EntryNov 4, '09 2:09 AM
for everyone

mahirap ang maging mahirap.mahirap ang ipanganak na tanging kahirapan lang din ng pamilya mo ang naipamana sayo.mahirap tanggapin na lumaki kang alam na ang katuturan ng kahirapan at hindi halos naenjoy ang kamusmusan.

Makit: Nan, sana pag yumaman ka tulungan mo akong makapag-aral ha

naaalala ko pa nung mga bata kami ni makit.gabi gabi,wala kaming ginawa kundi mangarap ng mas maayos na buhay lalung lalo na para sa kanya na pinanganak sa kasalatan.wala syang pinangarap kundi sana balang araw,mabago ang takbo ng tadhana para sa kanya at maiahon ang pamilya.wala syang ibang hinangad kundi ang pagdating ng katapusan ng pakikipagdigma nila sa gutom at kahirapan.hindi sya napagod mangarap,hindi sya napagod umasa.

maagang nalaman ni makit na hindi sya ang tipo ng anak na maipagmamayabang ng mga magulang dahil sa dami ng medalya at matataas na marka na maiuuwi sa bahay.hindi sya ung taong makakatanggap ng wall clock sa tuwing sasapit ang recognition day.hindi nya natapos ang sekondarya dahil sa mata ng lahat ng mga “may alam”..mahina ang ulo nya.ang malupit na buhay ang kanyang naging maestra.ang pang araw araw na pakikibaka ang kanyang naging silid aralan.

natuto syang magbilang sa dami ng mga maduduming kuko na minamanicure at pedicure nya.nalaman nya ang mga kulay hindi sa tulong ng krayola kundi sa ibat ibang shade ng cutix.bangkito ang kanyang naging trono imbis na armchair.at ang Hortaleza ang nagmistula nyang library na humasa sa kanyang kaalaman parang nipper.

- - - - - -

sa paglipas ng panahon,wala halos nagbago sa buhay ni makit.nakapag asawa at panandaliang nakaramdam ng ligaya.pero di naglaon,iniwanan din sya at ang anak nila.mas gumulo ang buhay at doble ang naging pagkayod.lahat ng posibleng trabaho pinasok nya.

nagbuy and sell sya dati ng mga silver na alahas galing baguio.nakakabenta naman kahit papano kase muka naman syang minerong batak sa trabaho.nadadaan sa habag and paghanga at the same time.

nagtinda ng halohalo at mais con hielo.huminto dahil masakit daw sa likod at sa suso.sa likod dahil sa maghapong pagkakayuko.sa suso dahil kumakalembang habang manu manong nagkakayod ng yelo.hindi kinaya ng bra.wrecking ball eh.

kinilalang reyna ng direct selling.avon,fullerlife,dakki,natasha,boardwalk,DXN,sundance.hindi sya napapagod magbahay bahay kahit sa katirikan ng araw.kahit pa magsilakihan ang mga binti’t hita at magmukang player ng sepak takraw.

minsan na din syang nag-DH sa hongkong pero umuwi din agad ng pilipinas dahil hindi nakayanan ang mga panunuya ng mga kapwa Pilipino duon.kung tawagin syay bibeth…Bibeth Orteza.

walang nagbunga sa napakaraming attempts ni makit hanggang sa kumatok ang isang oportunidad na posibleng magbago sa lahat.

merong nagoffer sa kanya ng trabaho sa abroad.yan ang isa sa mga opsyon na ayaw nya sanang gawin dahil ayaw nyang mawalay sa nagiisa nyang anak.kaso wala na talagang iba pang solusyon.pag nanay ka na,kahit ang pinakamahirap at masakit na desisyon gagawin mo para sa ikabubuti ng anak mo,kahit mawalay ka pa sa kanya.nung una ok ang offer hanggang sa di naglaon,naging malinaw na ang lahat.

illegal recruiter ang magtutulak kay makit palabas ng bansa.pero ang mas malala dun,hindi sya sa hongkong ipapadala.sa Afghanistan,the land of ammunitions and shrapnels.ang ganda di ba?oo mukang lalake ang parilya ni makit,pero hindi sya sundalo o myembro ng medical mission ng pinas.hindi sya barako,may kiki sya.

walang sinuman sa amin ang pumayag na ituloy nya ang pangingibang bansa at maipit sa gitna ng gulo sa Afghanistan.sino ba naman ang magnanais ng ganung buhay para sa karampot na perang kikitain?wala namang katumbas na halaga ang buhay ng tao.kahit anung currency pa yan.ilang gabing iniyakan ni makit ang pagdedesisyon.ayaw nya na sana kaso tinutulak sya ng pamilya nya na kagatin ang oportunidad(kung yun man ang tamang tawag dun).

masama ang mga magulang na mas pinipili ang kikitain nila kesa sa safety ng kanilang anak.hindi a walk in the park ang Afghanistan.pwede ba!

pero sumapit ang lahat sa pagdedesisyon.

hindi na daw talaga sya mapipigilan.at gaya ng kahit sinong kaibigan nya na nagtangkang harangan ang kanyang paglipad..nabigo din ako.

at sa huling pagbisita ni makit sa aming bahay ilang oras bago sya lumipad.bahagyang paalis na si makit at patungo na ng pintuan nang bigla ko syang pinigilan.

Nanskii: Kit sara mo yang pinto

Makit: B-bakit?

Nanskii: Basta isara mo,halika dito

Makit: Nan…aalis na ako mag-iimpake pa ako ng mga gamit ko(kaba)

nakulitan ako sa pagtanggi ni makit,hinatak ko ang braso nya at ipinasok muli sa loob ng bahay.akmang pipiglas pa sana sya pero lalaki ako.iba ang aking lakas kumpara sa isang babae na tanging suso lang nman ang malaki sa katawan.hinawakan ko si makit sa muka at pilit na pinabubuka ang bibig.lumalaban sya at naluluha na ang mga mata.ang tumatakbo lang sa isip ko,kung hindi ko to gagawin ngayun..maaaring wala ng ibang pagkakataon.it’s now or never!

Makit: Nan anu ba?!(ngongo sound) Bitiwan mo ako! Nasasaktan ako! (pumiglas)

Nanskii : puta! Wag kang malikot. Sandali lang to kit…

Makit: AYOOKOOO!

Nanskii: Kit hubarin mo na yan..utang na loob!

Makit: Parang awa mo na…ayoko..wag..

Nanskii: NGANGA! IBUKA MO BIBIG MO! IPASOK KO LANG TOH

Makit: WAGGGGGggggg (fading) ULK! (nabulunan)

 -----

Nanskii: putangina ka..iluluwa mo din pala pinahirapan mo pako

Makit: (hingal) eh kase hindi pa ako nagtutoothbrush

nakuha ko din sa wakas ang pustiso ni makit matapos ang mahabang pwersahan.binilang ko kung ilang ngipin ang artipisyal.pucha buong set sa taas mula incisors hanggang wisdom tooth..pustiso!pati ata dila nyan artipisyal.walang elemento sa bibig nya ang natural pwera lang hininga.kumita ng husto ang technician ng ngipin sa kanya.mabuti na din toh,baka pagdating nya ng Afghanistan mapasabak agad sa mga Taliban eh.baka bazookahin si makit o di kaya sunugin sa plaza.mabuti na yun may pagkakakilanlan syang alam namin.at agad kong inilista ang bilang ng mga ngipin ni makit.ganito yung mga napapanuod ko sa balita.kung hindi DNA,posisyon ng mga ngipin ang ginagamit para makilala ang mga bangkay.ngayun mas panatag na ako.nawala na ang pangamba at agam-agam.

yun na din ang mga huling sandali na nakita ko sya.walang nakakaalam kung anung kapalaran ang naghihintay kay makit sa gitna ng disyerto’t kawalan.

napakabait na tao ni makit.napakabait na anak,.napakabait na ina.sana itadhana ng Maykapal na makuha nya ang matagal nang ninanais na kaginhawahan sa buhay.at sana this time,maipanalo nya na ang kanyang sariling digmaan.

 

tuloy ang mga pangarap.tuloy ang pag-asa.

maraming salamat makit.maaaring hindi mo natutunan ang tamang spelling ng “friendship” pero alam na alam mo kung pano ang maging isang tunay na kaibigan.paalam (o di ba? parang mamamatay na)


Blog EntryOct 29, '09 9:53 AM
for everyone

kanino kang pwerta nagmula?ako?malamang sa nanay ko.kayo?malamang ganun din.pero weird mang sabihin,pakiramdam ko na kung di ako kinayang iluwa ng nanay ko sa mundo.malamang ang lola ko ang magpoproxy na isilang ako.ang pinakapaborito kong lola…si nanay lady.

sya si Ledicia Romero,nanay sya ng tatay ko pero mas muka silang magtyahin lang.native from bicolandia at hawig daw ni rosa rosal na hindi tinamaan ng TB at delia razon na hindi hinilamusan ng pulbo sa muka.sa kanya ako lumaki nung bata pa ako and since patay na naman ang nanay ko ngayun at wala ng aapila.sa kanya ko talaga naramdaman ang tunay na pag-aalaga ng isang ina.isyu ito!

simple lang ang nanay lady ko.typical na lolang pa-shy effect pero wag ka,nunca kong nakitang nagsuot na bra o nabalitaan nagkatubig ang baga dahil sa lamig.hilig nya mulat sapul ang pagluluto at magtuktok ng metro ng kuryente 2days bago magreading.ganyan ang buhay nila ni tatay(lolo) sa antipolo.simple,mabagal,switik!

kaarawan ni nanay nung linggo at dahil matagal tagal na din na hindi ko sya nasisilip,dumayo kami ng antipolo para makapiling sya sa kanyang espesyal na araw.

ang byaheng Cubao-Cogeo ang ruta na kinamumuhian ko.kaso hindi maiiwasan dahil ito ang ruta papunta kina nanay.napakaingay ng mga jeeps at iisa ang genre ng music…pinoy rap.ang anthem ng mga tambay na gangsters bago makipagbatuhan at makipaghabulan ng saksakan.sa buong itatakbo ng byahe mo,pakiramdam mo pagbaba mo ng jeep,nalusaw na ang mga taon na ginugol mo para magkaroon ng maayos na edukasyon.wala na,wild ka na at marunong na mag-rap at cripwalk.congratulations!

hataw din sila sa tulin sa pagpapatakbo.hindi nila kinikilala ang mga humps at mmda.lalamon ka talaga ng hangin,alikabok,ipa,splitends(nung katabi mo) at usok.sa byaheng ito,sasakay kang Pinky Webb,bababa kang Diana Ross

katanghaliang tapat na ng marating namin ang bahay ni nanay.agad nyang akong sinalubong sabay hawak sa dalawa kong pisngi then kiss.ikaw na ang maging paboritong apo.pagkatapos nya akong salubungin at halikan,halos maluha ako.kahit lumipas ang napakaraming taon,hindi nagbabago ang pagmamahal nya sa amin.dinama ko ang mga pisngi ko at ninamnam ang mga haplos nya na wariy walang katapusan.at nuon naramdaman ko ang sangkatutak na tinadtad na sibuyas,bawang,kinchay at kerot saking pisngi.dumating pala ako sa kalagitnaan ng pagbabalot nya ng lumpia.sabik na sabik na sumalubong ang hitad at ni hindi man lang nakuhang mag-anlaw ng kamay.nagsunblock pa naman ako(Chinese-mestizo eh).

matanda na talaga si nanay lady.mababakas mo yan sa itsura ng bahay nila.wala na sa ayos dahil sympre wala na siguro sa kapasidad nila ang mag-general cleaning.parang Museo ng mga Tradisyong at Kultura ang itsura.merong “kiping” ng pahiyas festival,Christmas tree ng kapaskuhan,mga trapal ng national jamboree ng boyscout at mga namumutiktik na agiw ng Halloween.ganyan kakalat ang bahay nina nanay.kulang na lang timbangan ng mga kalakal,junk shop na.

mahal na mahal ko ang lola ko.para kase sa kanya ako ang pinakagwapong apo kesehodang papasok na ang edad ko sa thermometer.lagi nyang sinasabi na gwapo ako at hindi nya pansin kung ang nguso ko ay parang Olympic diving board sa haba at sturdy(wow sturdy talaga?pundasyon?footbridge?).

mula pagkabata ko,hindi sya nawala sa mga special na okasyon ng buhay ko.nung nag first honor ako nung kinder,pag akyat ko sa stage biglang entrada si nanay lady at sabay abot ng napakalaking regalo.anlaki ng kahon eh,kahon ng tanduay na lapad.parang inagawan nya pa nga ako ng eksena sa stage kase pakiramdam ko yung regalo ang umani ng napakaraming palakpakan at hindi naman ako at medalya ko.umalingawngaw ang bulung bulungan ng mga insikyorang ina at school superintendents sa kung anung laman ng regalo.at ang laman ng mahiwaga at attention seeking na regalo…wall clock!

nairaos namin ng maayos ang simpleng salusalo para sa bday ni nanay lady.tamang chikahan lang,lamon at pakikipagtagayan sa mga cripz at bloodz na invited din pala sa party ni nanay.sayang lang kase hindi nakarating ang special guest nyang Dagtang Lason.kinuyog ata sa cubao(sa may aurora).

sa lahat siguro ng pagmamahal ni nanay lady,hindi nung kayang suklian ng kahit ilang blog entries ang lahat ng sakrispisyo na ginawa nya para maitaguyod kami.

para sa kanyang ika-isandaang taong kaarawan,etchos! (tangina alamat? UNESCO?)

binabati kita nay ng maligayang kaarawan at sana itadhana pa ng Dyos na humaba pa ang buhay mo.



(도쿄=연합뉴스) 최이락 특파원 = 북한이 영변 핵시설에서 추출한 플루토늄을 사용해 소형 핵탄두를 제조하는 데 성공해 북한 북부 지하시설 두 곳에 보관하고 있다는 정보를 한국과 미국의 정보 당국이 입수했다고 교도(共同)통신이 31일 보도했다.

통신은 이 핵탄두가 중거리 미사일 '노동' 탑재용으로 보인다고 전했다. 

북한이 일본 전역을 사거리에 두는 노동미사일을 다수 실전 배치한 만큼 이런 정보가 사실이라면 일본에는 상당한 위협이 된다고 통신은 지적했다.

이런 내용은 국제 연구기관인 '국제위기그룹' 동북아시아 사무소(서울 소재)의 대니얼 핑크스톤 연구원이 관계 정부 당국자의 발언이라면서 공개했다.

핑크스톤 연구원은 지하시설의 구체적인 장소와 관련, 평안북도, 자강도, 양강도 등의 노동미사일 기지 인근일 가능성이 크다고 지적했다. 

그에 따르면 북한은 핵탄두의 플루토늄 부분과 기폭장치 부분을 분리해서 보관하고 있으며 이를 조립하는 데는 하루나 이틀 정도 걸릴 것으로 예상된다. 

또 핵무기 운용, 관리는 조선인민군에서 독립된 기관이 담당하고 있으며, 김정일(金正日) 국방위원장이 직접 이 기관을 관장하는 구조로 관측되고 있다. 

통신은 "한국 정부는 북한이 보유한 핵무기가 6~8개로 추정하고 있다"며 "이들 가운데 몇개가 핵탄두화 됐는지는 불명확하다"고 덧붙였다.

Blog EntryMar 11, '09 3:29 PM
for everyone

matagal na akong kinakabahan dito sa bukol na nasa likod ko.naaalala ko pa nung una ko itong nakapa,kala ko tagyawat lang.although hindi ko winewelcome ang idea na may tagyawat akong tumubo sa pwet,dahil para ko na ding sinabing magkahawig lang ang muka ko at ang pwet ko.sagwa di ba?habang tumatagal lumalaki sya,ang dating gisantes lang,ngayun eh aratilis na.baka bukas anu na toh…sinigwelas.hindi tuloy mawaglit sa isip ko ang matakot.na baka ang munting bagay na toh na pinagwawalang bahala ko ngayun,mauwi sa dinanas ng dalawang taong nuon pa man ay tinatangi ko na.

unang nakilala si Francis M sa kanyang pag ganap bilang isa sa cast ng bagets 2 nuong dekada 80 bilang si ponce.ito ang pelikulang nagpakilala sa kanya at nagpatili sa mga kababaihan na sya ring naging unang hakbang para sa isang napipintong successful at mahabang showbiz career.

unang napansin naman ang Nanay ko sa maliit na baryo ng Polilio Quezon nuong dekada 70 bilang isa sa pinaka pasweet yet pokpokish na dalagita.madami din syang mga kaibigang bagets nun at sya na siguro ang pinakamaituturing nilang reyna.natatandaan ko pa na ang daming pictures ni nanay taba(+) nuong kabataan nya na nakatago sa luma naming tukador.mataray ang look,naka bell-bottom na pants at pirming naka-japayuki v-sign pose.matipid ang pag ngiti pero nakakagat labi.party girl at mahilig dumayo sa mga sayawan sa plaza.sya ang buhay ng bawat sayawan at makalipas ang ilang buwan ay isang buhay din ang umusbong sa kanyang tyan.ang nanay kong mahilig gumiling,nabuksan sa pitong lalaki ang tabing.ayun,naging preggy sa step-kuya ko.masyado kasing gimikera.

nakilala si Francis M bilang isang magaling na breakdancer na hindi kalauna’y naging hari ng pinoy rap dahil sa paglabas ng kanyang smash album na “YO!” nung 1990.sa album na ito nanggaling at sumikat ang kanyang monster hit na “Mga Kababayan”.binago ni Francis M ang mukha ng OPM sa pagiging kauna unahang mang-aawit na nagpakilala at nagmalaki sa wika at kulturang Pilipino sa paraan ng pagra-rap.

nakilala ng husto ang nanay ko sa compound namin nang minsang umuwi ang tatay ko na basang basa at kesyo ang dahilan daw eh naligo lang sa roxas boulevard kasama ang mga kaibigan nya.nasira lang ang storya ni padir nung nasipat ng nanay ko na panty ang suot nyang underwear.nagduda ang nanay ko na hindi talaga friends ang kasama ni tatay kundi ang napapabalitang kabit nya na katrabaho ni nanay sa patahian..si marissa(may name dropping talaga?).sinugod sya ng nanay ko sabay dampot ng bote ng royal 500 at binasag.hinabol ang tatay ko habang naghuhuramentado at sumigaw ng “Mga Kapitbahay!!! habulin nyo sya!”.binago ng nanay ko ang hilatsa ng muka ng tatay ko,hinambalos ng bote sa ulo,at awa ng dyos nabuhay naman.

kay Francis M nauso ang mga kakaibang hairstyle nung dekada 90.pinauso nya ung buhok na super ahit ang gilid na may mga animo nakaukit na design gaya ng “peace sign logo” at syempre ang kanyang pinasikat na “YO!”.

naalala ko nung kabataan ko na may puntong hindi halos nagtatabi ang mga magulang ko sa higaan.bagaman ako ay bata pa,naisip ko nuon na baka nagkakalabuan na sila at malapit ng humantong sa paghihiwalay.napawi lang ang agam agam ko nang minsang marinig ko ang chismisan nina nanay at mga mga kahututang dila nya sa labas ng gate ng compound. “nag-ahit ako nung nakaraan,makati pala saka masakit pag patubo na”. YUN NA!

sa lahat na ata,si Francis M lang ang bukod tanging performer nang kanyang panahon ang pinaka nagmalaki sa kung sino at anu tayo bilang mga Pilipino.lahat ng awitin nya ay pumukaw sa ating pagiging makabansa lalu na sa mga kabataan.sya lang ang bukod tanging singer/rapper na narinig ko na kahit ang lyrics ay tagalog at napakalalim,hindi masagwang pakinggan at hindi mo sasabihing jologs.ginawa nyang cool ang pagiging makabayan.ginawa nyang astig ang pagiging pinoy.

kung pagiging makabayan lang din ang pag uusapan,hindi magpapahuli ang nanay ko.nung grade 1 ako,binagyo ang school namin sa Sta.Ana at nasira ng malalakas na hangin ang aming flag sa school.dahil atribida ang nanay ko at nuknukang stage mother,sya ang nagprisinta sa class adviser ko na bumili ng pamalit na watawat.kung meron nga lang sya sigurong mahabang oras ay baka bumyahe pa sya ng hongkong para dun ihabi ang watawat,kaso nagpagtanto nya siguro na ka-OAyan na yun at wala syang passport.dahil sa “makabayang” act na yun ng nanay ko,nagawaran ako ng second honor sa aming klase,kaso may umapilang nanay kaya nalaglag ako at naging 3rd honor na lang.anyways,thanks Mrs. Lavares

pero sa lahat siguro ng mga kagaguhang pagkukumparang yan,siguro sa bagay na ito talaga sila masasabing pareho.sa isang bagay na ito masasabing iisa ang kanilang tadhanang sinapit.pareho silang ginupo at pinatahimik ng malupit na sakit na cancer.

tinamaan si Francis M ng Acute Myeloid Leukemia(AML),isang uri ng cancer sa dugo nuong nakaraang taon.habang ang nanay taba ko naman ay tinamaan ng Colon Cancer nung taong 2002.pareho silang dumaan sa mahabang panahon ng gamutan at pilit na lumaban sa traydor na sakit para sa kanilang mga pamilya.

nakakalungkot na kung sino pa ang taong ginamit ang buhay nya para buhayin ang damdaming makabansa ng isang buong bayan ng mga kabataan…sya pang napiling pahirapan ng isang sakit na hindi nararapat para sa kanya.

nakakapanlumong isipin na kung sino pa yung taong handang lumibot ng buong maghapon at gaygayin ang buong recto-avenida para lang makahanap ng watawat para sa anak nya…sya pang napiling pasakitan.

nakakalungkot na wala na ang Hari ng Pinoy Rap,hindi nya na maaappreciate ang lahat ng parangal na ginagawad sa kanya ngayun dahil sa naging kontribyusyon nya sa bansa.

nakakalungkot na wala na ang Reyna ng Bahay namin,hindi nya na ako mamumura at matutuktukan ng bote sa ulo kung sakaling mabasa nya man ang lahat ng kabulastugan pinagsusulat ko sa kwentong toh.

 

 

mamimiss ko si kiko sa eat bulaga sa araw-araw

mamimiss ko ang nanay ko habang buhay

 

 


Arlene Pujeda Dominguez

(1959 – 2002)

 Francis Durango Magalona

(1964 – 2009)


Click The Cover Art to Download




April 24, 2004

bago matapos ung unang gameknb taping ko,tinanong ako ni kris kung anu daw ba ang balak ko gawin sa winnings ko.naisip ko agad ung mga ibang big winners sa kahit anung pakontes na pera ang premyo,laging idodonate sa simbahan,ibibigay ko sa nanay at ang wagas na sakripisyo..ibibigay pa din sa simbahan.jusko ang dami dami ng pera ng simbahan!!! 

kaya nag-isip ako ng kakaibang sagot,sinabi ko maghihiganti ako.pero at the back of my mind eh joke joke lang nman yun kahit pa in reality eh madami tlga kaming dinanas na pagmamalupit sa ibang tao.eh kaso si kris kinagat ung sagot ko at tlgang nag-usisa pa.tangina nasukol na tlga ako nung mga panahong un lalu na nung sinabi nya na magbigay ako kahit initials man lang.eh talagang kinulit nya ko kaya sabi ko na lang si “G”. 

-Buhay Nanskii: Kris and Kyawsand (ver. 1)

Nanskii Boi Wurld Season 3

 

G stands for Gade,ang kapatid na babae ng kulasisi ng tatay ko.chismosa,warfreak,hugis upright na hita ng manok ang silhouette pag titignan sa malayo at parang may sunog na bibingka sa batok.isa sya sa mga nagpahirap saming magkakapatid sa mga naunang season ng kwento ng buhay ko.at matapos ang tatlong taong pakikipagbuno sa pwersa ng kadiliman,ang lahat ay hahantong na sa pagwawakas.

right after mamatay ang nanay taba(+) ko,agad na pinalipat ng tatay ko ang mga kamag-anakan ng kabit nya sa compound namin at pinatira sa taas ng kwarto naming magkakapatid.ligalig ang mga animal,at hindi man lang kami binigyan ng sapat na panahon upang ipagluksa ang aming namayapang ina.araw araw ang kanilang house party.animo nabuhay ang heartbeat megadisco at ang 80’s notorious disco na jaloux sa katauhan ng mumunting kwarto nila sa itaas.walang patid ang ingay at dagundong ng mga paa na pinangungunahan ng tatay ko at ng kabit nya at syempre ni gade as emcee at resident dj.awang awa akong pinagmamasdan ang mga kapatid ko nuon habang sabay sabay naming tinitiis ang lahat ng ingay at mga sinuntunadong kantahan sa oras ng pagtulog.napakawalangya nila at nakakapanlumo dahil wala kaming maggawa kundi pagmasdan na lang ang naiwang larawan ng nanay kong nakakwadro.nakangiti pero pilit na pilit(dahil gustong magmukang may dimple sya) at halos hindi mo na makilala dahil sa pagbabakbak gawa ng extraderm astringent #3(ang pinakamalupit na formulation).

nagpatuloy ang pamemeste samin ng babaeng ulikba.sila ang pinakasalaulang kapitbahay namin.hindi sila marunong gumamit ng kubeta dahil may pagkaprimitibo ang upbringing nila.isa silang masugid na deboto ng arinola na kaseng laki ng timba.dun na sila umiihi,tumatae,naghihilamos,nagmumumog at nagbabasa ng tawas para ipahid sa kilikili.at pag puno na ang timba,itinatapon nila ito sa tapat ng bintana namin.isang malaking poso negro para sa kanya ang bakuran namin.para lang silang nagbubuhos ng mineral water na galing ng mount banahaw.ganyan sya kababuy.

libangan ni gade at ng asawa nya ang mag-away lalu na kung nagkakaonsehan sa intrega.sunud sunod ang lagabog at murahan.at kung itotodo mo ang volume ng tv nyo para masapawan ang ingay nila,pansamantala silang hihinto at makikiramdam at saka mas lalakasan ang ingay.matapos ang isang oras na warlahan,ang ingay ay mapapalitan ng marahang pag ungol at halinghing.ganyan ang version nila ng peace and make out(hindi make up).grabe sila magtalik,nakakabulag.dahil sa kada ulos ng asawa ni gade ay syang laglagan ng mga alikabok at mga tae ng ipis galing sa sahig nila papunta sa kwarto namin sa baba.wala pa kaseng kisame ang bahay namin nun kaya konting bayuhan lang nilang mag-asawa,puwing ang kapalit para sa amin.kung anung init ng romansahan nila sa itaas,ay sya ring init ng mga ulo namin sa ibaba lalu na kung ang pagtatalik ay nagaganap tuwing katirikan ng araw.ala una hanggang sa paglabas ni hesukristo sa 3-o’clock habit.

dahil kay gade ay nagawa kaming palayasin ng sarili naming ama sa pamamahay na kinalakihan namin.naalala ko nun nung nag-iskandalo sila sa gabi pa mismo ng highschool graduation ni ging.nagkagulo,nagkakampihan at ang ending,nagliparan ang mga gamit namin palabas sa aming kwarto.napakasakit isipin na sa gabi na dapat pinadidiwang namin ang okasyong napakahalaga sa kapatid ko,sa kalye kami naipatapon at ginugol ang buong magdamag na hindi alam kung san kami titira.

Kris Aquino: “kanino ka naman maghihiganti?”

Nanskii: “hindi joke lang po yun,maiba lang”

Kris Aquino: “NO! jokes are half meant.sige na.kahit initials lang”

Nanskii: “ahhmm…basta nagsisimula sa letrang G”

dahil sa eksenang yan na inabangan ng lahat ng kakilala ko at napanuod on national tv,umusbong ang panibagong kadiliman.right after ng episode ko sa gameknb nung tanghaling un,nakarecieve ako ng tawag sa kapatid ko,humahagulgol.nawala daw ang celfon ng kuya jade nya.agad akong napauwi ng bahay at nalaman na pinasok ang bahay namin habang wala ang mga kapatid kong sina ging at jade.tinangay ang bagong bagong cellphone at nagsimula ang takot ko para sa seguridad namin.ganito pala pag nanalo ka at alam ng buong baranggay ang swerteng dumapo sayo.siguro sa isip isip nila “tara nakawin natin ung celfon tutal madami na namang pera yang mga yan.mabibilhan ng panibago”.nakakatakot malaman na dahil lang sa kakarampot na perang nabroadcast sa telebisyon,malalagay ang mga mahal mo sa buhay sa alanganin.pero ang mas nakakakilabot pala,ay ang malaman na ang gumawa nun ay hindi ang mga taong hindi mo kilala.kundi ang sarili mong ama at ang kapitbahay nyong gusto gumanti dahil sa pinahiya mo sya on national television sa pagsasabi lang ng isang letra.

 

kagabi,tinawag ako ni gade dahil may sasabihin daw sya sa akin.walang kagatol gatol,agad akong nagwikang

“anu? magkak*ntutan na naman kayo? wag na kayo pagpasintabi,sanay na kami.”

pero iling lang ang sinukli nya sakin at sabay sabing 

“aalis na kami nan.pasensya na sa lahat ha.hind na kase namin kayang makabayad ng renta eh.pinapalayas na kami ni Manong B”

parang nakaramdam ako bigla ng kalungkutan.kalungkutan na hindi ko inaasahan dahil sa loob ng tatlong taon ay ito ang araw na pinangarap naming dumating,ang lumayas sila.nalungkot ako kase hindi naman pala minsan kailangan magharbor ng poot sa kapwa kahit anu pang klaseng kabuktutan ang nagawa nya sa iyo.na marahil may sarili silang dahilan kaya nila nagawa yun.napatigil ako nung humingi sya sakin at sa mga kapatid ko ng dispensa.maaring hindi na nga maibabalik ang nawalang cellphone,ang pagkabirhen ng aming mga tengga,ang 20/20 vision,ang mga platito naming mataray ang mga detalye,pero siguro ang pagpapatawad pwede pa.hindi ko pa din malaman kung san ko natutunan ang katarantaduhang yan pero aaminin ko, it felt good.^^

 

kung ang Dyos nga marunong magpatawad eh

ako pa?

 

 

 

 

 

 

 

-pero sayang talaga yung celfon.hahaha

kahit 3 gives pwede naman eh



EEEEEHHHHH!!!! HELPPPPPP!!!!

isang van ang rumaragasang pasalpok saking likuran at agad akong napatalon with matching tumbling kagaya ng mga stunts nina Ronnie ricketts at ronald gan sa mga low-budget action films nila nung 90s.agad akong napahinto at napaisip dahil alam kong nangyari na ang eksenang ito.pero bakit ako nandito muli?at bakit ako lang mag isa at wala ang mga kaibigan ko?binalutan ng pagkalito at takot ang aking buong katawan habang nakaupo sa damuhan at akmang bubundulin ng humaharurot na van.tumayo ako at pasigaw na sinenyasan ang paparating na sasakyan.

Nanskii: “Karl its me!!! Ihinto mo ang van!!! KARRRRLLLLL!!!!!! (fading)

CRASH!!!

hindi ko maipaliwanag kung anu ang nangyari.ang alam ko lang,hindi ako narinig ni karl.nakahiga ako sa damuhan at kasalukuyang naliligo sa sarili kong dugo.sabay takip ang isang kumot saking muka.ito na ba ang katapusan?patay na ba ako?unti unti nalalagutan na ako ng hininga.hindi ako makahinga…

HINDEEEEEEE!!!!!

napabangon ako saking pagkakahiga at pagtingin ko sa paligid ko.nasa kwarto na namin ulit ako at isang kumot ang nakatapal sa muka ko kaya pala hindi ako makahinga.

Lennox: “ay friend sorry,naipatong ko pala sa muka mo ung kumot habang natutulog ka.kaya pala masakit ang puson ko kagabi kase rereglahin ako.sobrang lakas,natagusan ko yang kumot na yan.nkakahiya kina karl.akin na lalabhan ko.”

The Last Pagoda Cold Wave Emotion

tahimik at payapa ang alon ng dagat nung umagang yun.low-tide,wari’y batid at nakikisama sa aming mga huling sandali sa beach house.lahat kami ay tahimik lang na nakatitig sa isla ng potipot,nagpapaalam at nagpapasalamat para sa isang napakasayang experience.lahat kami may kanya kanyang binubulong ang mga damdamin habang taimtim na nakamasid sa pagsikat ng araw.

Mae: (bakit lahat ng kuha ko,bakat ang puday ko?gosh)

Glenn: (bakit panty ni mara ang suot ko?)

Mara: (kamuka ko ba talaga si dexter doria?)

Lennox: (bakit ang itim itim? – criselda volks sex scandal)

Nanskii: (kaninong bulbul toh?)

may tatlong piraso ng bulbol(kasama pa ang ugat) sa isang plato na naiwang nakatiwang tiwang sa lamesa.nasira ang moment ko dahil napasulyap ako ng hindi sinadya sa hapag.alam ko kung sino ang posibleng may kagagawan.isa lang sa tatlong bata na naunang nag almusal.si karl,si shan o si jason.hindi ko malaman kung bakit naman sa dami ng pwedeng dapuan,sa pinggan pa talaga.parang ang dating,pag sa loob ng baso o sa platito ok lang noh?

matapos ang maikling panahon ng pagninilay ay naghain na kami ng aming huling almusal para sa araw na yun.engrande ang almusal,may glitters.hindi kami mahihiyang magpakain ng mga school superintendents dahil pasado sa go,grow and glow ang standard ng aming mga pagkain.nasarapan ako dun sa ensaladang ginawa ko na gawa sa seaweeds na nabili ko sa palengke.hindi ko kase nahindian ung batang babae na nagtitinda nung inalok nya ako sa paninda nya.ang amo kase ng pagkakaalok nya sakin at sa biglang tingin akala ko nakaharap ako sa grotto na may junior version ni birheng maria.matagal na panahon na ding hindi ako nakakasimba kaya ang ending,bumili ako ng isang kilong seaweed o “lato”.at pagsubo namin ni mae sa ensalada napabigkas na lang kami ng “come holy spirit” in a pabasa tune.ang sarap.

sobrang tagal kumain ni lennox.matagal kase napakalakas lumamon,kababaeng tao.lahat ng ulam na nasa mesa ay may kanya kanyang designated na puwang sa plato nya.alphabetical at may sistema talaga.kailangang mapalitan ang lahat ng dugong nawala,yan ang kanyang goal.para syang nagdadalang-tao dahil hindi lang para sa kanya ang kinakain nya kundi para na rin sa bangs nya.mas masustansya,mas malusog na bangs.wala syang balak huminto hanggat hindi lumilitaw ang pusod nya na masagwa ang pagkakatabas.at sa klase ng paglamon nya,kahit ata inverted na utong ni makit lilitaw.oo,inverted ang utong ng kaibigan kong si makit.nasa likod,within the latitude of her magkabilang kilikili.latitude talaga(google earth?).natapos sya kumain,high tide na at nakabalik na ang mga pumalaot na mangingisda.

sabay sabay naming nilinis ang kitchen/dining area.hinugasan na namin lahat ng pwedeng hugasan maging ang mga platong kinainan ng mga kids na nakatiwangwang as always.sa mga puntong yun ay tukoy na namin kung sino kina shan,karl at jason ang proud owner ng malamig at matigas na bulbol.si KARL! bakit? kase may outline ng chalk.si lennox ang nakatoka sa hugasin.si glenn sa pagbabarnis ng mga mwebles.si mae sa pagkukumpuni ng mga alulod.si mara sa pagpapalit ng mga napunding bumbilya at ako sa fumigation para iwas dengue.ganyan kami magligpit.overhauled.

pagkatapos mag-impis ay nagsiliguan na kami at naghanda ng aming mga gamit.nag-offer samin si karl na ihatid na lang kami hanggang olongapo since papunta din sila ni jason duon nung araw na yun.pagpasok namin sa van,ang kalat.parang mini printing press sa dami ng mga bondpaper na kung saan saang sulok lang siniksik.kinuha ko ang isang papel na nasa gawing puwitan ko at binasa.

 

Mission Briefing:

  1. sunduin ang mga guests (0430hr – wag antukin)
  2. pakitunguhan ng maayos at gawing panatag ang loob

2.1 ipakilala sa mga tauhan ng beach house

2.2 sunduin sa palengke

2.3 iarrange ng bangka papunta ng isla

2.4 isama sa barrio at ipakita sa taong bayan

2.5 pero sa lahat ng maayos na pakikitungo: wag lagyan ng tv ang frame sa kwarto nila.magastos sa kuryente.may disconnection notice na ang beach house.

  1. ientertain ng bonggang bongga
  2. iupdate kami oras oras.naka-unlitxt kami
  3. pinawin ang mga nakasampay na kumot.baka umulan.sayang,inalmirol yun.
  4. isuggest na ihahatid na lang sila sa olongapo station pag pauwi na sila
  5. PATAYIN SILA!!!
  6. idaan ang mga bangkay nila sa Ocean Adventure sa Subic.pakain sa mga false killer whales.kubrahin ang bayad ng kliyente.bilangin mabuti ang pera.
  7. magbayad sa bangko ng kuryente.bilangin ang sukli
  8. bili kayo sang order ng pancit saka gamot bago kayo umuwi dito.pasalubong ba?may sakit kami.
  9. group hug

Love,

Mom and Dad

nagflashback sakin ang panaginip ko nung umaga.eto pala ang gustong ipahiwatig ng aking karumal dumal na bangungot.ang lahat ng ito pala ay isang pagpapanggap!isa napakalaking palabas!isang napakaagresibong hakbang para lang matugunan at mabayaran ang putanginang notice for disconnection na yan!

agad kong kinompronta si karl sa driver’s seat at pinagduldulan sa muka nya ang papel.natahimik si karl at humingi ng tawad.binalot ng katahimikan ang loob ng van.biglang sumabat ang aking mga kaibigan na equally shocked din sa aking natuklasan. “o sorry na daw,tara na lets go.anung petsa na?”.dun ko napagtanto ang isa siguro sa pinakamaipagmamalaki kong katangian naming magkakaibigan at kung bakit kami tumagal na magkakasama sa loob ng sampung taon…mabilis kami magpatawad.kung ang Dyos nga nagpapatawad,kami pa?

naging mahaba ang pagbyahe papuntang olongapo.masaya kaming lahat na nagkakantahan sa loob ng van.parang lakbay-aral lang minus class adviser.napabaling ang tingin ko sa gawing likuran ng van kung saan nakaupo sina mae at lennox.at ako’y nasindak sa aking nakita at parang gusto kong bawiin ang naunang “patawaran” scene na nangyari sa pagitan namin at ni karl.

Nanskii: “SI LENNOX PATAY NA!!!  WALANGYA KA KARL!!! I HATE YOU!

Mae: “gago! tulog lang yan.napagod kakakain ng chips.”

true enough,mukang kinatulugan nga lang ni lennox ang kanyang hindi matapos tapos na paglamon.nakanganga si ate at may mga durog na v-cut at budbod ng seasonings pa sa labi.ms. pagoda cold wave lotion.pagod na pagod,walang kupas.

after 2hours ay narating na namin ang terminal ng victory liner sa olongapo.nakakalungkot mang tanggapin pero dito na magwawakas ang aming masayang bakasyon sa piling nina karl.nalungkot ako pagbaba namin ng van habang kumakaway kina karl at jason.kung pwede lang humugot ng remote ng dvd player at i-on ang subtitle nung mga huling eksena ng paghihiwalay naming lahat,tyak akong ang mababasa sa tagpong iyon ay “paalam,salamat at hanggang sa muli”.

---- 

masaya ang potipot getaway namin nung December.nakakatawa,nakakakaba,nakakapagod,nakakagutom,mixed emotions.isa kase yun sa mga unang bagay na ginawa naming magkakaibigan pagkalipas din ng mahaba habang panahon.ni hindi ko nga inexpect na matutuloy sya at posibleng palang mangyari.

ang ganda ng isla lalu na para sa amin na kadalasang mall at maingay na bar sa malate ang laging puntahan.pero sa pagbalik namin sa maynila galing potipot.napagtanto namin na hindi ang isla ang nagpaespesyal sa aming bakasyon kundi ang mga taong nag-asikaso samin sa beach house.sina karl.

hindi kami nagkamali sa una naming reaksyon ni mae kina karl nung first day namin sa beach house.

napakaganda ng pagpapalaki sa kanila ng kanilang mga magulang.

bagamat evident na nakakaangat sila sa buhay at lumaki sa ginhawa,naramdaman namin ang napakawarm na pagtrato samin ng mga kids(ganyan namin sila iaddress collectively).sobrang saludo kami sa kanila lalu na sa kanilang mga parents(na obviously,di naman kami pagpaplanuhang patayin).napakagagalang at hindi namin yun naramdaman dahil guest nila kami at magbabayad sa lahat ng gagawin namin habang nakatuntong kami sa lugar nila.yung pagtanggap nila samin ang nagpa-espesyal sa experience andun man o wala ang isla ng potipot.at totoo yan.

ang saga na ito ay tribute sa sampung taon ng barkadahan namin nina mae,lennox at glenn/mara

higit sa lahat,para sa nag-uumapaw na pasasalamat kina kuya lito,manang,jason,shan at karl

 

ito ang pagwawakas ng potipot and prends saga.




si mrs crisostomo ang pinakauna kong teacher nung kinder na nagsabi sakin na isa akong matalinong bata

si mrs lavares ang unang teacher na naturo sakin ng maling pronunciation -  “ones” (o-nes daw.parang onesty is the best po-licy)

si mrs resurrection ang pinakaunang teacher na bumato sakin ng eraser at chalkbox - lightning speed

si mrs galingan ang unang teacher na nagbigay sakin ng pera.limampisong malutong at hindi yan pamaskong aginaldo.

si ms. rendon ang unang teacher na nagturo sakin mangodigo para maging successful ang teaching demo nya at magmukang isa syang effective na guro.

si mrs montesa ang unang teacher na nakapansin na malaki ang nguso ko at pwedeng kiluhin,gawing sisig – barkada size(yung tustado yung ilalim).

pero sa lahat ng mga gurong yan,wala sa kanila ang masasabi kong una at huling teacher na mamahalin ko at itatangi habang buhay(hindi ito malisyosong love utang na loob.hindi ako mahilig sa may-december affair.pwede ba?!)

1st year college kami nina mae nang una naming nameet ang teacher na magbabago ng paningin namin sa mga maestra.si maam jisel hagos,ang aming world literature professor.

brusko at gymfit ang dating ni maam hagos.habang ang lahat ng teachers sa faculty nagpe-freshen up bago pumasok sa klase nila,sya naman nagjujumping jack,dumb bell,push ups,footwork routine,calisthenics,at inject ng steroids.sya ang buhay na paalala na minsang namayagpag sa ere ang pinoy wrestling featuring bakal boys(caloy and bong),turko torero and the evil smokey mountain brothers.muka syang terror at kayang kaya nyang durugin ang gulugod ng mga studyanteng hindi gumagawa ng homework.

payak lang syang manamit (“type C” CAT/ROTC fashion).kadalasan simpleng t-shirt lang na mukang hiniram pa sa kamag-anakan nyang kapapanganak at nagpapasuso dahil may mantsa pa ng gatas sa parteng utong.simpleng maong na labas ang bukong bukong at ang prominente nyang topsider na sapatos na nanghihingi na ng kapalit at nagsasabing “ibaon mo na ako sa dekada 80”.ang mga guro ang pinaka underpaid na propesyon.totoo pala.

totoong palaban si jisel at maprinsipyo.lumaki kase sya sa buhay aktibista na lingid sa kaalaman ng skwelahan namin.mabilis syang tumakbo at alam nya ang mga ruta kung saan hindi madaling nakakapasok ang mga pulis o dispersal team.hindi lamigin ang likod dahil kaya nyang sagupain ang mga water cannon kahit nasa unahan pa sya ng piket line.musically inclined din dahil magaling syang magcompose ng mga awiting patungkol sa bulok na sistema ng gobyerno kesehodang kinapa pa yan sa gitara,bandurya o kahit pa dahon ng san francisco o bonggambilya.carry nya yan.

unang tapak pa lang ni maam sa classroom namin,nainlove na kami ni mae sa kanya.kahit sobrang lakas ng arrive,alam namin na itinadhana kami na maging isa sa magiging pinakamahalagang mga tao sa kanyang buhay.agad na napalapit ang loob namin sa kanya at nagsimula ang isang pagkakaibigan na kinainggitan ng lahat lalo na ng mga co-teachers nya sa faculty.

ang sarap ng feeling yung tipong pag breaktime,kasabay nyong kumain ang professor nyo sa labas.tapos magka abresiete pa sila ni mae at kumakandirit.lahat napapatingin at napapabulong ng “nakakahiya yung professor o”.kitang kita mo ang mga unguarded moments nya habang sumusubo tapos may tumatalsik na mumo pag nagsasalita.super enjoy lalu na pag may sumamang buhok ng tindera sa ulam tapos huhulaan nyo kung asoge o bulbol.

ang kagandahan sa friendship namin kay maam hagos,hindi namin yun ginamit kahit kelan sa standing namin sa subject nya.teacher-student relationship basta nasa loob na ng kwarto.madalas pa nga akong makakuha ng zero sa mga exams nya at pagsinosoli nya yung mga test papers laging may footnote na “anu mga pinagsususulat mo dito?ok ka lang?” ang warm di ba?

lumipas ang ilang panahon,napahinto ako sa pag-aaral at kasabay din halos nun ang pagkawala ni ms.hagos sa school.naputol na mula nuon ang pagkakaibigan namin.matagal namin syang hinanap nina mae pero sa lahat ng effort na yun,kabiguan ang aming napala.hindi pa kase masyado uso ang celfon nun kaya mas naging mahirap panindigan ang linyang “keep in touch”.nawalan kami ng kaibigan,pero hindi nawala sa puso namin si jisel .

may mga panahon nga na pag nakukwentuhan kami sa bahay nina mae,biglang sa kanya napupunta ang usapan.napapatahimik kami sa panghihinayang at napapasambit ng “san na kaya sya?”.pero tanging malamig na hangin sa batok lang at samyo ng pinatay na kandila ang naaamoy at aming nararamdaman sa mga ganung punto.nagkakatinginan na lang kami ni mae at napapapikit.

Mae: “maam hagos,kung andito ka samin,bigyan mo kami ng tatlong katok”

infairness,may kumakatok naman sa kalaliman ng gabi.kaso dalawa lang at hindi tatlo. tapos biglang may magsasalitang “pabili ng yelo”.sabay tugon ni mae “tubig pa,hindi pa buo.ok lang?”.business as usual.

sampung taon ang bumilang.nauso ang textmates,linkTV,iba ibang brand ng panghugas ng kipay,namatay si rustom padilla at nabura sa balat ng telebisyon ang “the” pinoy wrestling.hindi kami natapos sa paghahanap sa aming nawawalang guro.buwan buwan kong chinecheck ang friendster para hanapin ang pangalan nya.at matapos ang isang dekadang pangungulila,nahanap ko si jisel.

aba?nasa china na ang bruha at nagpapakasasa sa paglalaro ng snow.hindi na aktibista-ish ang look at mukang nabigyan na ng disentent libing ang kanyang topsider.parang mejo naging masama ang ugali kase iisa lang ang friend sa friendster pero wag ka,lima naman ang testimonials.happy new year,happy valentines,happy fiesta,happy flores de mayo at happy phil-american friendship day.lahat yan galing dun sa iisang friend na sa pakiwari ko,bantay ng internet cafe.

agad ko syang minessage at yun ang naging simula nang aming pagkakaibigan na inakala naming natuldukan na.ang pagbabalik ni jisel.ang paborito kong teacher.



gutom at ngalay

yan ang inabot namin sa sa halos apat na oras na mahaharot na pagbibilad sa araw at pagpopose sa isla.naubos ang energy naming kaya pagtuntong namin ng pampang takbuhan kami sa kusina para mamahaw.pagkakain ay nagsabi kami kay karl kung pwede kami magvideoke pampababa ng mga nalamon namin.

php100 per ora ang renta sa videoke machine ng beach house.sari saring bayolenteng reaksyon ang mga pinakawalan namin sa isat isa.na kesyo mahal at talagang hindi kami maka-getover sa rate.pero naisip din namin na ganun din pala ang presyo kung ididivide mo sya sa limampiso at sa bilang ng kanta.masyado lang kaming kapit sa pera.nagsimula na ang kantahan after isetup ni kuya lito ang machine pero ilang mga regulasyon ang aming mahigpit na pinatupad.na bawal kantahin ang mga sumusunod kantang petsa ang binibilang bago matapos.

i’d do anything for love (but I wont do that) – meatloaf (12:00)

it’s all coming back to me now – celine dion (8:22)

american pie – john denver (8:33)

november rain – guns n’ roses (8:57)

bohemian rhapsody – queen (5:55)

my way – hindi dahil mahaba sya,kundi dahil sa takot dahil sa dami ng buhay na kinuha ng kantang ito sa mga videokehan.pasintabi at saglit na katahimikan para sa mga pamilyang naulila sa kanilang ama.

halinhinan kami sa mikropono at kanya kanyang banat sa aming mga winning piece.walang bumitaw sa mic hanggat hindi ito mag-amoy laway.ngunit sa gitna ng aming maingay na kasiyahan ay napansin kong tahimik lang sa isang sulok si lennox at tila wala sa mood.pagkaraan ng ilang saglit ay nilayasan nya kami at bumalik sa aming kwarto.

sinundan namin sya si mae para icheck kung ok lang sya.nakahiga si lennox,nakatalukbong at balot na balot ng kumot.kinamusta namin kung ok lang ba sya at sabay tanggal ng kumot.nakita namin syang…nangungulangot.hiyang hiya si ate.at talagang buong katawan ang tatalukbungan makapangulangot lang.masama daw ang pakiramdam nya at naawa naman kami sa kalunos lunos na itsura ni lennox.mainit sya at hinang hina na parang tatrangkasuhin.maputla ang kanyang mga labi,malalim ang mga mata pero ang eyeliner malinaw pa din at maganda pa din ang kurbada.sabi namin magpahinga na lang sya at magdasal.dasal talaga?kala mo cancer ang dumapo.nangako kami na hindi na lang kami magbivideoke ni mae bagkus babantayan na lang ang aming butihing kaibigan.a friend in need is a friend indeed.yan ang statement ko mula nung highschool sa slumbookish na tanung na what is a friend.at isa akong deboto ng paniniwalang yan.

bigla kaming kinatok nina karl,shan at jason.tinanung nila ako kung anu daw ang ipabibili kong alak kase pupunta sila ng bayan.gusto ko sanang sabihin na wag na lang kase nga inaalala namin si lennox kaso biglang sumundot si karl na “kuya sama ka na lang samin sa pagbili”.tempting ang offer,minsan lang ang pagkakataon na lilibot ka sa isang lugar na bago sayo.joyride ito.pero habang nililingon ko si lennox na nakaratay sa loob ng kwarto,naisip ko na hindi ko pala maaatim na unahin ang sarili ko kesa sa kaibigan ko.isang mapait na iling lang ang isinukli ko sa mga bata at isang malakas at pwersadong pagsara ng pinto.BLAG!

Nanskii: tara kids! Lets go!”

kinandado namin ni mae si lennox sa loob ng kwarto sabay sampa sa van.tapos nagtxt ako kay lennox “pagaling ka.kaw kase eh”(nanisi pa noh?).tuloy na tuloy ang joyride!!!sabay tugtog ang love generation.ang saya saya!!!

nagpunta kami sa bayan para bumili ng alak.sabi ni shan,lahat daw ng tao dun ay mga malalayong kamag-anak nila.true enough dahil hindi nila kamuka ung mga tao,malayo nga.ang saya saya ng aura dun sa maliit na kalyeng napuntahan namin.parang may trip to jerusalem baranggay edition.ang liligalig ng mga tao at lahat nakasmile kesehodang masareno na at makulisap.bago umuwi ay idinaan kami ni karl sa isa pang mini plaza/court para bumili ng isaw.sarap na sarap kami ni mae sa isaw na bigay ni karl,hindi sya lasang tae.smorgasbord!

pagkauwi namin sa beach house ay naghiwalay muna kami ng mga kids para silipin si lennox.aba pagpasok namin,nakatayo na si ate at hindi na mukang sinalaula.nakangiti,mabango at higit sa lahat malinis na ang ilong.ok na daw sya,ligo lang pala ang katapat.binalikan namin sina glenn at mara sa videoke habang nag-aantay sa go signal nina karl para sa aming gagawing inuman.

isang mahabang heart to heart talk ang naganap sa pagitan naming magkakaibigan.sa kalagitnaan ng chikahan ay may ipinapanuod si mae kay lennox.ang sexvideo ni criselda volks bilang icebreaker.nakakapanlumo ang scandal ni criselda at nung Malaysian nyang jowa na mas mukang hapon.walang habas kaseng sinibasib ang puday nyang maitim ang lining(gothic).hindi appetizing ang itsura ng kuwan nya,kase parang potholder na nadilaan ng apoy sa kalan.at ang hiwa,parang binuksan ng isang mapurol at kalawanging abrelata.halatang wala sa sariling katinuan si criselda nung sya ay vinideo o mas tamang sabihing binaboy.sabay na napapaurong ang puwit nina mae sabay sa malakas na pag-ungol ng pinapanuod nila.hindi mabilang kung ilang ulit silang napasambit ng “shit” saka “ay ang sarap”.halos di makahinga si lennox sa panunuod ng video,si mae naman ay napapapikit at napapa iling sa kanilang pinapanuod.napawi lang ang discomfort sa mukha ng dalawa ng natapos ang video.napabuntong hininga si mae at sabay wikang “isa pa.from the top.hindi ko masyado naintindihan eh”.

madaling araw na nang bumalik kami sa aming kwarto para ipahinga ang isang napakahabang araw.sina karl kase na nagpress release na kesyo mag iinuman daw kami,nakita namin nagsarili at natulog ng maaga.nag impis na kami ng konti para sa gagawin naming paglisan kinabukasan.tapos na ang bakasyon.tapos na ang maligayang araw.

nakatulog pala si lennox nang dilat at hawak hawak ang kanyang lower bicutan.bkit?baka nakarelate kay criselda.


---- TO BE CONCLUDED ----




Blog EntryJan 23, '09 11:51 AM
for everyone

Karl: “pakisabi na lang po kung anung oras kayo pupunta ng isla”

yan ang paulit ulit na litanya ni karl mula nung tumuntong kami sa kanilang mansyones.bago sya humilata nung dumating kami,sinabi nya yan.nung sinundo nya kami ni lennox sa palengke ganun din.pag bukas ko ng inbox ng phone ko,ganyan din ang txt nya.parang nakaprogram lang si kuya.kahit ang antuking si lennox,binulungan ako pagkabangon sa maikling pagkakaidlip.

Lennox: “si karl narinig ko sa panaginip ko,tinatanung kung anung oras daw tayo pupunta ng isla.kaloka”

ewan ko ba dito kay karl,para namang aandar ang potipot kung hindi kami magpapasked agad agad.ayaw kaming patahimikin.pati sa panaginip sumusunod na.paulit ulit ang pangangatok.kulang na lang maglagay kami ng note sa pintuan na “sa pasko na lang kayo bumalik.patawad” caroling?

isang malakas na hiyaw ang umalingawngaw sa kwarto namin na nanggaling sa banyo kung saan andun si mae.sa sobrang pagkagulat eh napabalikwas kami saming pagkakahiga.maging ang magsyotang sina glenn at mara ay napabangon na magkakabit(parang asong nagkastahan tapos malapit na sa orgasm).kinatok ko si mae.batid kong kagagawan na naman toh ni karl.bumukas ang pinto.

Nanskii: “anung nangyari?(hingal)”

“Anu? Narinig mo din ba si karl na nagpapaalala na naman tungkol sa oras ng punta natin sa dyaskeng isla na yan?!”

Mae: “hh.hindi” (nginig)

Nanskii: “eh anu?!! bakit?! sabihin mo!!!”

Mae: “lumabas ung ulo ni kuya lito sa inodoro habang naghuhugas ako ng pekpek.painom daw”

 

- - - - - - - -


Halina sa Isla (eto pa lang ang simula ng kwento)

katirikan ng araw ng magdesisyon kaming pumunta ng potipot,alas dos.bago kami sumakay ng bangka ay pinagsuot kami ng mga lifevest.sa aming lima,si mae lang ang may potential na mamatay at maging kauna-unahang guest na paglalamayan sa beach house nina karl.hindi kase nya maisara ung vest nya dahil sa laki ng mga suso nya.malalaki na,lumalaban pa.para syang airbag na naactivate seconds before collision.

pinaghalong excitement at kaba ang naramdaman namin pag andar ng bangka.excitement dahil sa wakas,makakatapak na kami sa potipot.at kaba naman dahil sa aming lima,dalawa lang ang marunong lumangoy.sina mara at lennox.at ang kakapal ng mga muka naming gamitin paulit ulit ang term na “swimming” noh?

after 3mins ay narating na namin ang isla ng mga pangarap.walang mapagsidlan ang aming kaligayahan.napakaganda ng potipot.napakalinaw ng tubig.kitang kitang ko ang nakakadiring paa ni lennox na parang pataniman ng mga luyang dilaw na handang handa  na para sa anihan.muka syang coral reef sa biglang tingin,pero dahil sa linaw ng tubig sa isla.hindi maipagkakaila na kalyo ang mga yun.

nakakamanghang pagmasdan ang maliwanag na sikat ng araw na tumatama sa linaw ng karagatan.parang salamin na makikita mo na ang sarili mong reflection.nakakahiya mang sabihin pero dahil sa crystal clear na tubig na yan, hindi ko sinasadyang nasilipan ang aking mga kasama habang nakatayo kami sa tubig at abalang nagpipicturan.nakita ko ang singit ni mara.mamula mula at basa.tama! may hadhad si bangs #2.nakita ko ang utin ni glenn..nakatali patalikod.batak na batak.at kay mae nakita ko…balat.puro balat lang talaga at mangilan ngilang mapipintog na varicose veins.que horror!

nilibot namin ang isla.kanya kanyang hanap ng pwesto para magpakuha ng litrato.kanya kanyang drama at motivation.nagpagulong gulong kami sa napakapinong buhangin ng potipot parang training lang ng COCC.nagsuutan sa mga kuko namin sa paa ang buhangin sa sobrang pino.kanya kanya kaming panalangin na sana may manicure/pedicure set sina karl pagbalik namin sa resort.kahit matinong pusher lang at nipper,carry na.ayaw naming umuwi ng maynila na nagnanaknak ang mga paa.

nahinto ang paglalandian namin at pagtakbo nung narating namin ang likod na bahagi ng potipot.bakit naman hindi ka mapapahinto sa pagtakbo?eh puro matatalas ng mga bato na matatapakan mo.bakasyonista kami,hindi masokista.

kakaiba ang tanawin sa likod na parte ng potipot.mabato at parang isang olympic size na batis minus the labanderas.medyo maalon at sobrang matatalim ang mga bato.kung may hemophilia ka,malamang potipot na ang huling destinasyon mo.

isang napakalaking patay na puno ang main attraction sa parteng ito.para kaming mga unggoy na pinakawalan sa wild nung nakita namin ang puno.kanya kanya kaming sampahan pwera kay mae na naiwan sa baba.takot sya sa gravity.dito na namin inubos ang lahat ng lakas namin sa pag ngiti at pag-emote sa harap ng camera.liyad,tuwad,tihaya,bukaka,japayuki pose.kanya kanya kaming puri sa kinalabasan ng mga litrato namin pwera kay mae na hindi maubusan ng disclaimer sa pagtanggi na bakat ang pekpek nya sa mga potipot pics.uy ichecheck nila ang mga pictures.

dito na din kami inabot ng paglubog ng araw.ang senyales na kailangan na naming lisanin ang potipot dahil naiinip na ang aming binatilyong bangkero.nagtampisaw na lang kami ng konti at nagpakasasa sa  kagandahan ng potipot na alam naming matagal naming masisilayang muli.

mag aalas sais ng gabi nang nilisan namin ang isla at bumalik sa beach house.naaccomplish na namin ang potipot at hindi magtatagal,ang kasiyahang ito ay napipinto ng magwakas.


---to be continued---



EEEEEEHHHHH!!!! HALPPPPP!!!

(oo..tumitili pa din kami dahil ito ang kadugsong na kabanata ng ating naiwang kwento.taas ng momentum noh?)

isang van ang rumaragasang pasalpok saming likuran at agad kaming nagtalunan with matching tumbling kagaya ng mga stunts nina Ronnie ricketts at ronald gan sa mga low-budget action films nila nung 90s.hinituan kami ng naturang van at agad na bumungad samin ang taong nung episode 1 pa lang ng potipot saga ay gusto ng magkaexposure.

“sakay na!” sabay kindat

si Karl - the redeemer

si karl ang taong nakontak ko para sa aming gagawing pagstay sa zambales.mabait na bata si karl.mula nung una kaming nagkatxtan ay hindi nawalan ng “smiling face” ang mga txts nya sakin.at yun ang basehan ng kabaitan ng isang tao…well atleast para sa akin.malayo ang itsura nya sa primary photo na gamit nya sa kanyang multiply account.napakalaki ng kanyang mga biyas at gatla.parang nakatapak ng pako na may kalawang tapos namaga dahil naimpeksyon at hindi nainuman ng amoxicillin.sya ang taong dapat kinakaibigan ng mga tattoo artists at enthusiast.ang sarap nyang gawing canvas dahil kahit ata buong labing apat na station of the cross kasya sa katawan nya.periodic table naman ang katumbas nyan para sa mga taong mas naniniwala sa syensya at hindi sa relihiyon.dahil kanya kanya tayo ng paniniwala.

halatang hapong hapo ang kanyang muka sa kakaantay saming pagdating.excited syang makarubbing elbows ang mga artista.agad nya kaming pinapasok sa van at nilagyan ng duct tape ang aming mga bibig(ayaw nya ng maingay) sabay dala sa beach house

pagdating namin sa lugar ay agad kaming namangha sa aming tutuluyan.isang napakalaking mansion.2storey house na may magandang landscape sa bakuran.punong puno ng mga taong magsisilbi sa aming pangangailangan.may terrace,may attic at higit sa lahat isang satellite dish para sa cable tv viewing.hindi namin mapigilan ang mapanganga sa aming nakuha para lamang sa halagang Php1,500 na upa.tumaba ang aming mga puso at nag-awitan ng “hallelujiah”(yung version sa simbahan at hindi ung kay bamboo).

Karl: “dyan po…dyan po kami nakatira at dun po kayo mag-iistay sa maliit na kwartong un malapit sa BODEGA.yun po yung 1,500 at wag po sana tayong mapaghangad ng mga bagay na hindi po para sa atin.wag po tayong ambisyoso mga ate at kuya” – tapos smiling face(may bawing matamis na ngiti talaga).

nabasag ang trip namin sabay tikom ng bibig.atleast naappreciate namin ang bahay nila di ba?hindi masama ang mangarap.

agad kaming inalalayan ni karl patungo sa aming kwarto sa takot na kamkamin na naman namin ang mga bagay na hindi naman talaga para sa amin.napakaganda ng aming kwarto at sa totoo lang panalong panalo na kami dun.malamig,maaliwalas ang kulay,malalambot ang mga kutson at mukang tatagal sa mga aktibidades ng bagong magsyota.hindi amoy laway ang mga kumot at unan.at higit sa lahat,ang pinaka inasam naming feature para sa aming tutuluyan…tv frame na walang tv.ang saya,may sampayan na kami ng mga basang damit.sinong resort owner ang makakaisip ng ganyang klaseng pagpapahalaga sa pangangailangan ng kanilang mga bisita?si karl lang.at yun ang nagpakumpleto samin.

pinakilala samin ni karl ang isa sa mga katiwala ng beach house nila.antok na antok na kase sya kaya kumuha na sya ng representative para umistema sa mga pangangailangan namin.

si Kuya Lito – the katiwala with the power of ninjutsu

sya ang mapag-alagang katiwala nina karl na anytime pwede mong tawagin.hindi sya pangkaraniwang katiwala dahil nasa kanya ang kakayahang ninjutsu na nanggaling pa sa lumang imperyo ng bansang hapon.ninjutsu o kakayahan ng isang ninja.kung san san kase sumusulpot tong si kuya lito.ngayun kaharap mo,malingat ka lang ng konte wala na sya.kung san san sya sumusulpot at nanggagaling.sa katawan ng puno(camouflage),sa ilalim ng buhangin,sa loob ng kaldero,sa ilalim ng papag,sa loob ng duster ni manang at minsan sa loob ng blouse ni mae(sumuso? nagrecharge?).

pinagpahinga na namin si karl nung mga oras na un at agad na naming sinimulan ang aming tunay na pakay kung bakit kami nagpunta ng zambales/potipot…

ang magpicturan! as ing picture galore!!!

takbuhan kami agad sa beach habang walang puknat ang flash ng camera.kesehodang madilim pa at tanging silhouette lang ni potipot ang kita,picture galore pa din kami.walang makakapigil.walang makakapigil pwera ang antok.pag pasok namin saming kwarto ay agad nagbagsakan sina mae at lennox.bumagsak din sina glenn at mara.un nga lang magkapatong sila.tipid sa espasyo.

hindi ko na ginawang matulog nun dahil pasikat na din naman ang araw at kailangan na ding mamalengke.nangako si karl na sasamahan nya kaming mamili pero nakahandusay sya sa kanyang papag habang natatakpan ng mga dyaryo at may outline ng chalk ang katawan.hindi ko na ginising si kuya.huwag mong buhayin ang bangkay.tandaan natin yan.

kami na lang ni lennox ang pumunta ng palengke at namili ng mga kakailanganin at uulamin hanggang kinabukasan.sinundo kami ni karl pabalik sa beach house kasama ang kanyang kapatid.

si Shan – my #1 fan (para lang may rhyme)

sya ang nakababatang kapatid ni karl na masasabi kong pinaka nakaappreciate sakin habang nandun kami sa kanila.lahat na lang kase ng hirit ko eh tawang tawa sya.magjojoke ako – tatawa,nadapa ako sa buhangin,sargo bibig – tatawa,nasabuyan ako ng kumukulong mantika sa muka – tatawa.natamaan ako ng shuriken ni kuya lito – tatawa.o di ba?naappreciate talaga ako nung bata.malabo kase ang mata ni shan kaya siguro hindi sya masyado madistinguish na ung mga tinatawanan nyang moments ko ay hindi katawa tawa.nakasalamin sya ng sobrang kapal.kasing kapal nung glass flooring ng movieworld(4th floor) sa robinson’s ermita sa may malate.gayunpaman,magiliw si shan katulad ng kanyang kuya at pinsang..

si Jason – ang bunga ng makasalanang relasyon ng tao at ni pong panga

sya ang pinsan nina karl na hindi nagpakitang naaabala ko sya ever.mabait din at gaya nilang lahat,magalang sya sa nakatatanda.may iniinda si Jason nung araw na nagpunta kami.sabi nila masakit daw ang ngipin ng bata.pero nung nakita namin sya,parang gusto naming ikorek sina shan.”baka masakit ang kalahating muka hindi ngipin”.namamaga ang panga ni Jason at dahil daw un sa sirang ngipin.nakita ko kay Jason ang kahihinatnan ng sangkatauhan kung lahat ay lalahian ni pong panga.natakot ako sa maaring kahinatnan ng mundo.

 

pero ang mas nakakatakot ay kung aabutin na naman ng ilang pahina ang kwentong ito at magrereklamo na naman ang mga mambabasa.kaya sige na,ibigay na natin toh.

 

 

 

--- to be continued ---




alas dose impunto nang magbukas ang bus na magdadala samin sa aming destinasyon.lahat kami excited kase ang ilang oras at milyang naghihiwalay sa amin at sa potipot ay malapit ng matapos.agad naming tinungo ang mga seats na nakaassign sa number ng tiket namin.at dahil lima kami,isa samin ang nanganganib na mapahiwalay ng upuan at posibleng magtanim ng sama ng loob habang buhay.at ang maswerteng homepartner ay si….lennox.and this time,hindi na nya nagamit ang mga abilidad ng bangs nya.

ang ganda ng loob ng bus,ganun pala pag apat na raan mahigit ang bayad.hindi sya amoy kisame,maganda ang lighting,sobrang lamig at walang mini-directory ng mga taong gustong magpak*ntot sa likod ng mga upuan.malinis,walang surot at walang mga nakasuksok na tiket sa bawat siwang na makikita.

si mae ang seatmate ko.tapos sa tapat namin ay ung magsyotang sina glenn at mara.habang napunta naman sa likod namin ni mae si lennox na maayus namang tinanggap ang kanyang kapalaran.mejo nag aalangan ako nun na makatabi si mae kase pakiramdam ko,hindi ko carry ang laki nya.maluwag naman ang upuan pero nag-alinlangan akong talaga dahil sofa ang katambas ng kalahating pisngi ng puwet ni mae.tangina,may kapares pa ung isa pang equally gi-normous na pisngi.sana hindi na lang ako nagbayad di ba?pero nagkamali ako.dahil nung tinry ko nang umupo,nagkasya naman ako at walang naramdamang discomfort.ang ganda talaga ng bus.perfect!

nagpasukan pa ang ibang mga pasahero at agad ding napuno ang bus.mejo napailing lang kami kase inakala namin na magiging exclusive ang bus para lang dun sa mga nakasecure ng tickets nila.nang mapuno ang mga upuan ng pasahero,ay sya ring pagpapapasok ng iba pang pasahero na humabol lang.napuno ang aisle ng bus at mejo nabawasan ang mga pagpuri namin sa victory liner.

pagkaupo ay umaatikabong chikahan agad ang ginawa namin.akala mo mga ngayun lang nagkita at miss na miss ang isat isa.biglang sumimoy ang isang napakabahong samyo na tanging sa inabusong kilekile lang pwede manggaling.ang babaho nina kuya na sa katabing aisle ko pa napiling tumayo.parang buong araw na matyagang nagtrabaho sa talyer.wala talagang katotohanan na kayang patayin ng lamig ang mikrobyo.ang buong bus ang nagmistulang isang freezer na pinasukan ng dalawang shawarmang ready to eat at ire-reheat na lang sa oven.yung isa madaming onion.habang ung isa may onion na,may jalapeno pa.gusto kong bumalikwas sa pagkakaupo ko at magseatbelt.takot na takot ako at halos takasan ng baet.habang kinukumbulsyon ako sa kasisimsim ng kilikili ng dalawa ay naalala ko ang mga huling sandali ni ninoy aquino habang pababa ng tarmac.gayun din ang nakakantig na pag acting ni joel torre sa pelikulang “lipa massacre: god save the babies” nung nabasa nya sa headline ng dyaryo na walang habas na pinagpapatay ang kanyang mag-ina.nakakatakot…nakakapanghilakbot.nag antay akong may malaglag na oxygen sa kisame pero narealize ko na lulan pala kami ng bus at hindi eroplano.at nakuha ko pang umambisyon noh?

mahaba at tahimik ang byahe.lahat ng nasa bus ay malalamig at tulog pwera ako at ang driver(malamang).80% ng mga pasahero sa bus ay nakanganga kasama na dun ang apat kong kaibigan.animo mga bangkay na hindi nalagyan at natalian ng good morning towel ang panga para sumara. parang kumakain ng ice candyng dinikdik muna sa pader ang pagkakanganga ni lennox.mas malaki ang pagkakanganga ni mae at matigas na sya(dahil sa lamig,namuo ang sebo),habang sina glenn at mara naman ay nakanganga din at magkadikit ang mga bibig.pukinang ina yan,naglalaplapan lang pala.kala ko tulog.style nyo bulok!

Olongapo ang unang stop-over namin.ang hometown ng universal motion dancers.nakahinga na ako ng maluwag dahil matapos ang dalawang oras na pagsimsim sa kilikili nung dalawang mamang nasa tabi ko.pinalaya na nila ako.gutom na gutom na ang mga tao nun.lahat nagbabaan para umihi,tumae,magpalit ng pasador na puno na,hugas kipay.nagkape at kumutib ng mga baon nilang chicha ung iba.hindi kami nagpahuli ni mae sa kainan galore.nagkatinginan kami at sabay dumukot sa plastic bag na nasa paa namin.

jarannn! Fried Chicken with rice combo meal.oo.FULL MEAL ito!pagod na pagod sa pagkakaupo eh.kailangan magrecharge.

lamon talaga ang ginawa namin ni mae.kala mo nasa food court lang.nakita kong takam na takam si glenn sa kinakain namin at nakita ko naman si lennox na nakanganga pa din at tulog.hapong hapo ang lola.dumayo ng zambales para matulog.

after 10minutes,umalis na ulit ang bus at bumyahe patungo sa 2nd stop namin,ang Iba Zambales.bumaba na ako nun kase punung puno na ang pantog ko.mapanghi na kase ang pawis ko sa batok at parang gumagawa na talaga ng paraan ang katawan ko para mabawasan ng ihi sa loob ng aking pantog.sobrang lamig sa lugar at feel na feel mo na malayo ka na sa maynila.nagising na din sa wakas si lennox at nagpasamang umihi din.nagulat na lang kami kase pagpasok ng cr ay syang labas nya din agad.at dahil dun kinwestyon namin sya.

”anu ka ba?umihi o umutot?pucha namili ka pa ng cr eh kahit sa pagbaba mo pa lang ng bus,pwede mo nang pasabugin yan” hahahaha

mariin nya namang tinangi ito.umihi daw sya talaga at napautot bago pa pumatak ang mga huling droplets ng ihi.gandang babae…kabagin.

malapit na daw kami sa Beach Hauz ni Dok,yun ang sabi ng konduktor.kulang kulang isang oras na lang.dahil kampante kami na alam ng konduktor kung san kami saktong ibababa.itinulog namin ang nalalabing moment.this time pinatay na ang ilaw sa buong bus.kahit titing gising,makakatulog sa ambiance ng bus.super cozy na kase sya.

walang anu anuy bigla kaming nakarinig ng ingay .jusko,intro ng isang kanta na papalakas ng papalakas.si manong driver,nagsalpak ng greatest hits cd ni Freddie aguilar.ANG INGAY!!! 

asar na asar si mae sa ingay ng mga folksongs ni ka Freddie na pang motivate ng mga aktibista bago sila sumugod ng mendiola para magrally. Viva Gabriella!

dahil dun wala nang nakatulog.bagkus nagising ang aming damdaming makabansa.

tnxt ko na si karl at sinabing malapit na kami.ang tagal magreply ng bata,nakatulog na ata.nagsimula na akong kabahan dahil batid kong napapalayo na kami.F4 at Jay Chou na ang kumakanta sa fm radio,so nasa Taiwan na kame.sinabihan ko na sina mae na magdasal pero walang nagawa ang aming mga panalangin dahil tagalog ang mga dasal namin.kailangan mandarin ang prayer.bawal suwayin ang One China Policy.

biglang huminto ang bus at kami’y tinawag ng konduktor.sa wakas,narating na namin ang beach hauz ni dok after ng apat at kalahating oras.kadiliman ang sumalubong samin sa aming pagbaba.walang ilaw ang makikita at tanging malawak na highway lang ang sa ami’y bumati.tahimik at mapanglaw.tinxt ko si karl para sunduin kami agad.kinakabahan na ang mga girls at sama sama kaming nagyakapan.nagkakasisihan na kami sa pinasok namin.prangkahan,malayo ang maynila.at kung may mangyari man saming masama,alam namin na malayo ang saklolo.ang excitement,napalitan ng takot.

bigla kaming ginulat ng isang maliwanag na ilaw sa aming gawin likuran at kami’y nagtitili (tili kung tili)

 

EEEEEEEEEHHHHHHHHH!!!! HALPPPP!!!!!

 

 

--- to be continued ---






Blog EntryJan 8, '09 4:11 PM
for everyone

Nanskii: d2 na me,wer na u? 

alas syete ng gabi at aligaga.ang pinakamakapigil hiningang eksena.ngayun ang gabi ng aming departure papuntang zambales at wala kaming idea kung panu kami makakarating dun bukod sa simple at kapakipakinabang na instruction ni karl na...GO!

nauna ako sa meeting place namin ni mae,ang jollibee taft branch katabi ng simbahan ng mga Methodists.kahanay nya ang mga vendor na nagtitinda ng cuticle remover,pang hinunuli,steelwool at suklay.matao sa areang eto dahil eto ang tagpuan ng mga magkaka-txtmates na walang datung pero nagkakapera pag check-in sa motel na ang pinagusapan.para syang navotas fish port tuwing madaling-araw..malansa.

as usual,inantay ko si mae dumating.nakatatlong yosi din ako at limang pakikipagpalitan ng kindatan sa mga fellow eyeballers ko na nasa lugar.maya maya pa ay dumating na sya in her steamy swimwear dahil nga beach ang pupuntahan namin.nakablusa ang lola at hapit na hapit na pantalon kung san kahit anung klase yata ng puke maeenhance at magmumukang matambok.parang aattend ng ribbon cutting.kumain pa daw sya kaya nalate.mejo natakot ata sa halos anim na oras na byaheng tatahakin namin.

sakay kami agad ng LRT pa-monumento.usapan kase naming magkakaibigan na mauuna na kami ni mae sa terminal para makabili agad ng tiket para sa last trip.habang ang iba naming kasama ay nasa makati pa dahil nasa oras pa ng trabaho.napawi naman ang pag-aalala namin dahil pagkarating sa terminal ay nakabili kami agad ng tiket.

maayos ang terminal ng victory liner.madaming upuan at industrial fan sa paligid.pwede kang magpalipad ng saranggola habang nag-aantay.pagkaraan ng dalawang oras ay dumating na din ang aming mga kasama na pinangungunahan ni lennox.

isa si lennox sa mga barkada talaga namin ni mae mula pa kolehiyo.maganda,matangkad,mahinhin at nagtataglay ng 3inches pantay pantay na bangs.kalahati ng araw nya ay ginugugol nya sa pagmamaintain ng bangs nya.ang laman ng bag nya ay gunting,labaha,tyane,tape measure,protractor at iskwala.di bale nang wag maligo,wag lang may lumampas sa 3inches bangs policy.sya ang mother of all bangs at wag na sana tayong tumutol pa para walang gulo.matatalas ang mga gunting nya.mahalin natin ang mga buhay natin.

kasama din namin ang isa naming barkada na si glenn.pekpek pleaser sya nung college pa kami.lagi syang kinagigiliwan ng mga studyante lalu na ang mga professors namin,ulul na ulul sa kanya.ako man hahahaha.

malakas ang sex appeal kahit batid namin na hindi nya masyado nagagamit ang sex organ nya sa mga dapat paggamitan nito,goodboy kase.kung anung binilis nya sa chickas ay sya naming bagal nya mag—sa—li—tahhh…kasama nya ang kanyang bagong gelpren(na first time din naming nameet nung gabing yun),si mara.ang sweet girl na nagtataglay naman ng 2.75inches na bangs.maganda ang bagsak at parang naghahanap ng away.

naramdaman namin ang namuong tension sa paligid nang magkaharap sina lennox at mara.bakas sa mga mata ni lennox ang pagkasuklam at puot.kinabahan kami nang isukbit ni lennox ang kanyang bag sabay lapit sa babaeng may 2.75 inches na bangs.parang climax ng isang pelikulang suspense ang kapaligiran.jusko! kalalabas lang ng hortaleza ng mga gunting ni lennox.BAGONG HASA!!!

nagkaharap ang dalawang babaeng de-bangs.gigil na gigil si lennox pero si mara,bagamat batid ang panganib na hinaharap ay kampante lang at mukang malinis at bait baitan.di nagustuhan ng reyna ng Egypt ang reaction ni mara at agad nya dinukot ang laman ng kanyang bag sabay tutok sa muka ni mara!!!!


“HUWAGGGGG!!!!” (napasigaw kaming lahat sa terminal)

 

nang biglang…

Lennox: girl anu gusto mong suklay sa dalawa? Paganini o Springmaid?

hinimatay kaming lahat sa psychopathic moment ni lennox.kala namin ay magkacomeback na ang massacre movie genre ni carlo j. caparas at dona villa sa balat ng pelikula.agad kami nahimasmasan at natigil ang tension.sabay tawag sa mga huling pasahero ng bus para sa araw na yun.makakarating din tayo ng potipot ng maayos at walang gulo,yan ang mga salitang namutawi sa bibig nina glenn at mae.at bagaman stressed out ako sa nangyaring eksena sa terminal,napangiti na din ako at hindi nawalan ng pag-asa na mararating namin ang isla ni karl.

 

 

malapit na…

yan na lang ang inisip ko.

 

----- to be continued -----

 

 

 

habang nasa bus ay hindi ko napigilang itanung kay lennox kung bakit hindi humantong sa malagim na insidente yung paghaharap nila ni mara nung nasa terminal kami.alam kase namin na walang kapatawaran ang pang-gagaya sa bangs nya?bakit hindi nya tinuloy na undayan ng saksak ng gunting ang noo ni mara?

Lennox: (pabulong) nakita ko kase yung bag nya na nakasukbit sa balikat nya.ang laman karet,yung pang gapas ng palay.gusto mong matagpas ang ulo ko? PUNYEMERZ!


Pages:12345